Salamat sa lahat ng nagbasa ng first chapter!
***************
Third Person's POV'S
[Canteen]"Alam mo kung pumunta ka dito para tignan si papa Ralph habang may nakasubong fries sa bibig mo. Sige na sisterness, aalis na ako. Di kaya ng beauty ko ang itsura mong mukhang froglet na nakakita ng aso" sabi ni Rhian habang nakatingin sa kanyang kaibigan na tila walang naririnig. Para kasing may sarili itong mundo habang nasa tabi ni Rhian at nakatingin kay Ralph na nasa dulo magisang kumakain. Actually mukha na siyang tanga, paano kasi hanggang ngayon nakasubo parin yung fries sa bibig ni Noneen habang yung ketchup kalat na sa bibig niya.
"Hoy gashginess ng bruhildang gerlalu!" binatukan ni Rhian ang kanyang kaibigan at bigla namang bumalik sa katinuan niya.
"Ha?" tumingin ito kay Rhian na parang hindi man lang siya binatukan. Napailing si Rhian alam naman niyang ultimate crush ng bestfriend niya si Ralph pero yung itsura niya ngayon hindi katanggap-tanggap.
"Alam mo abo na lang si Ralph sa kinauupuan niya" sabi ni Rhian sa kaibigan. Tiningnan nito si Ralph, Buhay pa naman ah isip ni Noneen.
"Ha? hindi kaya tingnan mo" pagtatanggol ni Noneen.
=_=
"Ay grabe ka gerlalu, kelan ka pa naging slow na parang tertelite?" pero hindi maintindihan ni Noneen ang kaibigan. Wala talaga siyang magets dala na siguro ng nilipad na utak niya kakatingin kay Ralph.
"What i mean is sa sobrang talim at tagal mong nakatitig kay fafa Ralphnessing, halos parang natupok na siya sa kinauupuan niya Getching? Hay nako eto ang tissue o punasan mo yang bibig mo puro ketchupness nakaka durty!" binalibag ni Rhian ang plastic ng tissue sa kaibigan, kinuha naman ito ni Noneen at pinunasan ang kanyang bibig.
"Yun lang pala" sagot ni Noneen
"Yun lang?! Nilalang mo lang yun gerlalu? eh halos parang gusto mo nang halayin si fafa Ralphnesaing sa titig mo eh!" sigaw ni Rhian, sinipa naman ni Noneen ang kaibigan.
"Gaga, hinaan mo naman ang boses mo baka marinig ka ni Ralph eh, isipin nun may crush ako sa kanya" bulong ni Noneen sa kaibigan.
"Bakit? wala ba?" natahimik si Noneen. Oo may gusto siya kay Ralph, actually since kindergarten yun. Paano kasi hindi katulad sa ibang lalaki sa tabi-tabi siya simple, matalino, gwapo, matangkad at mayaman. Kaso nga lang may isang problema napaka cold niya sa lahat. Suplaso siya oo. Pero pag mas lalo nga itong nagsusuplado... lalo siyang nagugustuhan ni Noneen.
"Sabi ko nga eh!" Bulong ni Noneen.
"Oh makikibalita lang ako ah, kamista na pala kayo ni papa Lawrence mo?" ngumiti si Rhian pero wala man lang reaksiyon si Noneen. Kasi sa totoo lang kaibigan lang ang turing niya kay Lawrence wala ng iba. Ni hindi nga eto eapeayal para kay Noneen eh. Sabagay ganun rin ata ang turing ni Lawrence sa kanya. Kaya nga mas madalas silang mag-away dahil sa pag-aaral kesa sa personal na buhay.
"Oh? anong babalitaan mo dun?" tanong ni Noneent habang kumakain.
"Wala bang progress ang love story niyo abber?" ngumiti si Rhian na parang nang-aasar. Napailing lang si Noneen habang tumawa ng mahina.
"Ilang beses ko bang sasabihin sayo na friend lang kami FOREVER?!"
"Aysus ang imberlalu nag denying pa! Hindi ako maniniwal sayo!" Dumila si Rhian kay Noneen.
"Nagtanong ka pa hindi ka din pala maniniwala"
"Hindi ako maniniwala na forever friends lang kayo ni papa Lawrence! Huh, pustahan tayo darating ang araw na meron na akong inaanak!" Sabi ni Rhian habang nakangiti. Bigla namang nabulunan si Noneen sa sinabi ng kaibigan.
YOU ARE READING
We are Married?! (Publish Under Pop-Fiction)
Teen FictionLove can make even the two most incompatible people in this world fall for each other. (Unpublished still editing)