Mga tulang isinulat
Gamit ang mga kamay na pagod
Sa pagpunas ng luhang patuloy sa pag patak
Mga salitang sumasalamin sa puso kong wasak
Ako'y araw araw na lumalaban
Sa pag-asang ako'y mananalo sa digmaan
Ng aking puso't isipan
At mga damdaming sa iyo nakalaan
Masasayang nakaraang nais balikan
Ala-ala ng lumipas nais maranasan
Mga larawan nating kupas na
Ay tulad ng pag ibig nating lipas na
Tulad rin ng mga tulang aking isinulat
Mga taludtod tinatalakay ay ikaw
Huling linya'y iuukit
"Pusong bigo umaasa sa iyong pag babalik"
YOU ARE READING
My Thoughts and This World
PoetryMy poems is all about me and the feelings I'am feeling towards you and in this world I'm in