Di ako tulad ng iba na handang magpakatanga ng dahil sa pag-ibig.
Nakakasawang ipagsisikan ang sarili sa taong mahal ka lang gamit ang bibig.
Ganun na ba ako kadaling iwan
At biglaan na lang iiwanan?Sa umpisa lang talaga ang lahat.
Sa umpisa ka lang mahal at sapat.
Pasensya na kung mahina ako.
Nakasanayan ko kasing mapagisa sa mundong ito.
Nasanay na akong masaktan ng paulit ulit.
Lagi lang din naman napipilitan dahil saking kulit.
Ganun na lang siguro talaga ako kaboring kausap.
Pilitin ko man na ibigay aking lahat di padin sapat.
Di nga ako siguro para sayo.
Di kasi ako pasok sa mundong ginagalawan mo.
Sa maikling panahon na nagkulitan tayo.
Sumaya ako sa bawat minutong kakulitan mo ko.
Sana ikaw din napasaya ko.
Kahit hindi naging tayo.
Pasensya na sa mga di mo gustong bagay na nadulot ko.
Pasensya na kung ginulo ko yung tahimik mong mundo.
Hayaan mo't magpapakalayo ako sayo.
Sa lugar na miski sino hindi gugustuhing tumungo.
Pasensya na sa mga sakit na iyong nadama.
Hindi ko ginustong masaktan ka.
Alam naman nating dalawa na mahal kita.
Pero tulad nga ng sabi nila.
Kung tayong dalawa.
Tayo na talaga.
Pero pasensya ulit pagkat di ako tanga.
Hindi ko na sasayangin yung oras ko na nasayang ko na.
Dahil sayo marami akong natutunan.
Dahil sayo lubos akong natuhan.
Hindi porket mahal mo
Eh lahat bibigay mo.
Magiwan ka din para sa sarili mo.
Dahil hanggang huli mawawala dib akong magisa sa mundong to.
YOU ARE READING
My Thoughts and This World
PoetryMy poems is all about me and the feelings I'am feeling towards you and in this world I'm in