Loving the Nerdy Guy
By Msshell
You're not the boy next door. You're not a heartthrob type of guy. You're not my prince charming but why did I fall real hard for you?My answer until now is still I don't know.
Hindi ka gwapo. Hindi ka charming. Hindi ka magaling kumanta. Hindi ka athlete. Wala ka ring dimple.
Pero bakit ganun gustong-gusto pa rin kita?
May suot kang eyeglasses. May braces. Ang buhok mo, army cut. Walang espesyal sayo sa unang tingin ng mga babae.
Pero sa 'kin sobrang lakas ng epekto mo. Naalala ko pa noong una kitang makita.
First day of school noon. Grade 11.
Pagpasok ko sa gate. Ramdam na ramdam ko ang excitement ng bawat studyanteng madadaanan ko. May line formation, kaya halos tumakbo na ako noon kasi nahihiya akong masabihang late. Seryoso akong nakikinig sa sinasabi ng principal namin nang tapikin ako ng kaibigan kong si Iyah. Hindi ko sana papansinin kaso makulit siya. Nakakunot-noo ko siyang nilingon.
"Ano ba 'yun?" Tanong ko. Hindi niya ako sinagot pero tinuro ka. Sa pagkakataong 'yun, iba na agad ang naramdaman ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Nasa pinakalikod ka, medyo malayo sa iba pang studyante. Hindi ka pamilyar sa 'kin.
"Yan 'yung first honor sa kabilang school. Sobrang talino raw niyan." Sabi niya. Hindi ko napigilang titigan ka parang may sarili kang mundo. Seryoso kang nakatingin sa harap na para bang walang ibang taong nasa paligid mo.
Gusto kitang lapitan. Gusto kong magpakilala sayo. Itanong ang pangalan mo kaso wala akong lakas ng loob.
Ilang minuto rin kaming naghintay para malaman ang room namin. Nagkahiwalay kami ni Iyah, GAS kasi siya habang STEM naman ako.
Kinakabahan akong pumasok sa room. Tinignan ko ang mga magiging classmates ko. Wala akong kaclose. Tahimik akong umupo sa pinakalikod. Sana na nga, masurvive ko ang strand na 'to.
Nagulat ako nang pumasok ka. Magkaklase tayo! Hindi mo alam kung gaano ako kasaya.
Nagkatinginan tayo. Unang umiwas ka. Gustong-gusto kong yayain kang umupo sa tabi ko. Pero umupo ka na sa pinakaharap. Oo nga pala, matalino ka kaya syempre sa harap ka uupo para marinig mong mabuti ang sinasabi ng teacher natin. Ako kasi, takot ako sa harap. Hindi naman kasi ako matalino.
Kahit noong magpakilala na sa harap. Nasayo pa rin ang atensyon ko. Inaabangan kung kailan mo sasabihin ang pangalan mo.
"I'm Aldous Carl Bermudez, 17 years old. I completed my junior highschool at Saint Vincent."
Ngumiti ka. Ang ganda ng boses mo, lalaking-lalaki. Nakatulala pa rin akong nakatingin sayo. Hindi ko namalayang ako na pala ang susunod na magpapakilala. Nahihiya pa ako nang dumaan sa harap mo.
"Hi! I'm Krizza Mei Sanchez, 16 years old. I completed my junior highschool here in our school." Kinakabahang ngumiti ako. Lalo na nang magtama na naman ang mga mata natin. Ngumiti ka sa 'kin. Hindi ko napigilang ngumiti rin sayo.
Ang ganda nga rin pala ng ngiti mo. Meron kang braces pero hindi 'yun naging hadlang para hindi ako humanga sa ngiti mong 'yun.
Lumipas ang isang linggong nakontento ako sa palihim na kakatitig sayo. Isang linggo palang pero nakita na ng mga teachers natin kung gaano ka katalino. Palagi kang tinatawag sa recitation at syempre palagi kang highest sa mga quizzes.
Ang mathematics, inaayawan kong subject habang ikaw paeasy-easy lang. Nahuli nga kitang natutulog habang nage-explain 'yung teacher natin pero nang magquiz ikaw pa rin ang highest. Ang talino mo talaga.
BINABASA MO ANG
Loving the Nerdy Guy (One-Shot)
Historia CortaYou're not the boy next door. You're not a heartthrob type of guy. You're not my prince charming but why did I fall real hard for you? My answer until now is still I don't know. Cover by: reina_tipica