DMD VIII

46 5 0
                                    

Stay

It's 10 am when I woke up. Wala na kaming pasok ngayon pero ang Walton University ay meron pero half day lang. Pupunta kasi ako sa library ng Walton University at doon namin pag-uusapan ni Sam 'yong tungkol sa project.

"Uy birthday na pala ni Mika bukas ah." Sabi ni Daphne. "Anong plano mo?"

"Plano?"

"Like... may celebration ba? Swimming or what?"

"Ah... actually, nanalo ako sa raffle. Apat na pass sa Enchanted Kingdom. Gusto mo sumama?"

"EK? Oh yes! Hindi ako choosy 'no!"

"Hindi nga makakasama si Mom dahil may trabaho siya."

"Sayang naman... ay wait! What if... ibigay mo na pang kay Sam yung isa? Hihi!"

"Gusto mo lang siya makasama 'no?" Pang-asar ko.

"Hindi ah! Naisip ko lang, baka mas lalo mo siyang makilala roon."

"Palusot ka pa!"

"Uy hindi ah! Tinutulungan na nga kita eh!"

"Oh sige na. Tatanungin ko na lang siya mamaya!"

"Yipieeee!"

"Alis na ako ha." Paalam ko.

"Sige. Ingat ka! Bye!"

"Bye!"

Ilang minuto lang ay nakarating na ako sa Walton University. Pinakita ko lang sa guard yung ID ko at pinapasok na niya ako.

Habang naglalakad ako papuntang hallway ay may nadaaan akong poster na nakalagay sa bulletin board.

Young Writers Club

"Interested ka?" Tanong ng isang student.

"Uh--"

"Oh! By the way, I'm Paula." Pagpapakilala niya. "Interested ka ba, Meg."

"Uhm... how did you--" Hindi ko na natapos ang itatanong ko nang bigla siyang magsalita.

"Of course kilalang kilala ka dahil sa talino mo." Sabi niya. "So are you interested?"

"Actually--"

"Ang Young Writers Club naman ay hindi lang para sa Walton University. Para rin ito sa ibang school na nasa Metro Manila. Hindi pa ba sila nagpopost sa inyo? Ang alam ko--"

"I'm not interested."

"Oh." Bakas sa mukha niya ang disappointment. "Sayang naman."

"Sorry. Mauuna na ako."

"Okay." Sabi niya. "Sana magbago pa 'yong isip mo!" Pahabol niya.

I headed to the library to wait for Sam. Wala ni isang student doon. Sabi ni Sam pupuntahan niya raw ako dito kapag break time na nila. Habang hinihintay siya ay natulog muna ako.

Dos Mundos DistintosWhere stories live. Discover now