DMD XV

54 5 0
                                    

My Heart Belongs to Someone Else

Trisha's POV

Argh! I hate that girl! I hate that stupid Megan! Akala niya kung sino siya! Sinong nagsabi sa kanya na pwede niya akong siraan sa harap ng mga schoolmates namin?!

Naglalakad ako sa hallway at bigla akong pingatinginan ng mga tao. Ngayon lang ba sila nakakita ng ganito kaganda? Oh well, hindi ko naman sila masisisi dahil nag-iisa lang naman ang beauty ko!

Tinaasaan ko ng kilay ang isang estudyanteng hindi pa umaalis sa dinaraanan ko. Hindi ba niya alam ang rule ko? Na kapag dumaraan ako ay kailangang umaalis lahat ng nakaharang.

"Hey stupid Nerd! Aren't you gonna move?!" Iritadong tanong ko. Argh! I hate her presence, her glasses and her ugly face. Nakakasira ng araw 'yong pagmumukha niya.

"Why would I?" Tanong ni Nerd.

"Aba! Sumasagot ka na ah! Hindi mo ba alam na ako ang reyna dito?! Lahat ng gusto ko ay gagawin at susundin niyo! Now move!"

"Hell, no!"

"Hindi ka susunod?!"

"Why would I follow orders from a fake, stupid and mean queen?!"

"Excuse me?! Akala mo naman maganda ka para ganyanin ako! Pangit ka lang!"

"At least looks lang ang pangit sa akin at hindi ang ugali ko. Ikaw? Nagmamaganda lang pero pangit naman ang ugali!"

"What did you say?!"

"Alam na ng buong university ang katotohanan."

"Na reyna ako at pangit ka? Na anak ako ng isang mayamang--"

"Shut up! Stop bragging that you're rich! He's not even your biological father! You're just a daughter of a drug addict and your Mom had an affair with Megan's Dad."

Hindi ako nakasagot sa sinabi niya na para bang nawalan ako ng boses.

"Oo nga! Ang yabang! Akala mo kung sino umasta!" Sigaw ng mga tao sa paligid.

"Nakakainis 'yan!"

"Boyfriend stealer na nga, nang-agaw pa ng tatay."

"At higit sa lahat, maninira ng buhay!"

"Arte arte akala mo kung sinong perpekto!"

"Pinagyayabang pa 'yong yaman niya eh anak lang pala siya ng drug addict!"

"Kung ako sayo Trisha, aalis na ako dito. Maapi ka lang. Doon ka na lang sa tatay mong drug addict!"

"Oo nga! Suminghot ka na lang ng droga hahaha!"

Sa sobrang inis ko ay tumakbo ako papunta sa university ni Megan. Kasalanan niya lahat ng 'to kaya dapat makaganti ako sa kanya!

"Megan!"

"Oh anong problema mo?" Tanong niya.

"Ikaw! Ikaw ang problema ko!" Sinampal ko siya.

"Sinong nagsabing pwedeng dumapo 'yang palad mo sa mukha ko?!" Nabigla ako nang sampalin niya ako ng dalawang beses.

"Dahil sa'yo, nasira 'yong buhay ko!" Sigaw ko.

"Coming from you, huh? Ikaw pa talaga ang nasiraan ng buhay? Walang wala 'yong nangyari sa'yo sa pinagdaanan namin!"

"I don't care! Sinira mo ang buhay ko!"

"Bakit 'yong akin ba hindi niyo sinira ng nanay mo?"

"Masyado kang maarte! Nagpapaawa ka lang para ako ang lumabas na masama?!"

Dos Mundos DistintosWhere stories live. Discover now