Kinabukasan, bumalik si Ms. Rose. Halos umiyak siya ng makita niya akong gising at may malay na. Iniwan kami ni mommy para bigyan ng privacy na makapag-usap.
"Kamusta si Zandro?" I asked her.
"You saved him. Nakalabas na siya ng ICU." Sagot ni Ms. Rose.
"Thank you, Carol. The things that you wrote didn't erase. Pero tinakot mo kami. Ang lalim ng sugat ko." Sabi niya. Natingin ako sa kaliwang pulso ko. Nakatakip pa iyon ng denda.
"Muntik ka ng hindi umabot ng hospital." She informed me.
Kaya pala ganun na lang ang galit ng mga magulang ko sa akin.
"Nahuli na din sila Miguel." Pagbabalita niya sa akin.
Tumango ako. Buti naman.
"Malaya ka na ba sa sumpa sa pamilya nyo?" Tanong ko sa kanya.
"Hindi ko alam." Sagot ni Ms. Rose.
"Pero ang alam ko, simula ngayon, tutulungan na namin ni Mel kung sino man ang may kailanagn ng tulong. Iyon ay kung meron pang libro na dadating sa amin."
She smiled at me.
"Lahat ng libro, tumigil sa pagsusulat ng mapalitan mo ang ending ni Zandro."
"Baka simula na ito ng bagong chapter ng buhay mo Ms. Rose," I said. "Sana magsimula na kayong magkaroon ng buong pamilya." I sincerely hope so.
"You are too good, Carol. Kung babalik ka ulit sa Pilipinas, nasa National Library lang ako. Nasayo ang email at phone number ko, keep in touch. Maraming salamat sa mga tulong mo. Hinding hindi kita makakalimutan." Naluluhang nagpaalam si Ms. Rose sa akin. Bukas, lalabas na ako ng hospital.
I begged my dad if I can spend a day at my condo. Just to throw my trash and clean it before I closed it until I come back. My car has been taken care of. Binenta na niya si Wanda.
My dad gave me privacy for one day as I packed my clothes. When I am done, I knock at Jake's room. He hugged me when he saw me. Pinapasok niya ako sa loob at pinaupo sa study table.
"Kamusta siya?"
"He is out of ICU." Tinuro ni Jake ang sugat na nakabalot pa ng gasa.
"Napalalim lang. Hindi naman ako magpapakamatay." I replied.
"When Ms. Rose told me what happened, I was shocked. Hindi ko alam na ganun ang ginawa mo. I was very thankful when the doctor revived Zandro. And I knew you did something miraculous, pero hindi ko ineexpect na hindi ka gigising ng apat na araw."
"My parents are very angry with me. Jake, I need to see Zandro. Please samahan mo ako."
"Carol... you need to understand that he is in trauma.' Umiling si Jake.
"Is he in danger?"
"No... but...he...can't..." Huminga si Jake. "He can't remember you. The time that he's with you, it's like totally erased." Napasandal ako sa upuan.
"The doctor said he has some kind of amnesia dahil sa pagkakabangga sa kanya."
Unti-unti na namang tumulo ang mga luha ko.
"I'm sorry. I was telling him who you are, pero hindi ka talaga niya matandaan." Jake tried to calm me.
"At least he is alive. That's enough for me Jake." I replied.
"Aalis din naman ako. He can continue with his life."
Pumunta kami sa hospital kung saan naka-confine si Zandro. His dad saw us and he gave us privacy. Zandro is staring at me as he saw me for the first time. There is no recognition with his eyes.
I want to hug him and kiss him and tell him that I love him but I can't.
"Z, sya si Carol." Pagpapakilala ni Jake.
Umiling si Z. "Hindi ko siya matandaan." He said.
Huminga ako ng malalim para hindi tumulo ang luha ko.
"It's okay. I just want to see you for the last time. It's good that you are fine." Hirap na hirap akong magsalita. "Can I hug you Zandro? Just this once?" I begged him.
Hindi siya kumibo. Tumingin siya sa kaliwa nang dahan dahan akong yumakap sa kanya. Iningatan ko ang sugat niya sa dibdib.
"Mag-iingat ka lagi." I said to him.
Nagmamadali akong lumabas ng kwarto at doon umiyak. Jake followed me and tried to calm me down. Lumapit ang daddy ni Zandro sa amin.
"Sorry po. Aalis na po kami." I said and tried to dried my tears.
"Ikaw yung kinukwento niya sa akin bago kami ma-accident. He will remember you soon, hija." He smiles sadly. Tumango ako dahil hirap na hirap na akong magsalita pa.
Hinatid ako ni Jake sa unit ko. Doon ako susunduin ni daddy bago kami pumunta sa airport.
"Keep in touch Carol." He said.
"Salamat sa tulong Jake."
"Bigay mo sa akin ang address mo sa US. Alam mo naman ang number ko di ba... Huwag mo kaming iwan totally. Kapag nakaalala si Z, ikaw ang unang hahanapin nun."
I force to swallow my fear.
"Just take care of him," I replied.
Sinundo ako ni daddy ng 10pm sa condo. Dala ang dalawang maleta, dumeretso kami sa airport papuntang Amerika.
BINABASA MO ANG
The Book Keeper (Completed)
RomancePaano ko lalabanan ang fate kung hindi naman ako kasama sa tadhanan niya? How can I unlove him? How? Paano? How to chase your dream kung nakasulat na ang ending at wala kang magawa kung hindi panoorin ang kanyang pagkawala? Paano? Kung malalaman m...