Like A Boy

29 6 61
                                    

REMINDERS: Unedited:many typos| Contains cursing words Inspired by the Act Like A Boy music video (multimedia)

Like A Boy

"Samantha! Laro tayo!" Sigaw ni Marcus. Yan nanaman. Ba't bakasi ako napasama sa mga lalaking 'to. Tss!

"Sigi ba! Walang sasali one on one." Natawa nalang siya sa inaasta ako.

Nagsidatingan na ang iba naming barkada at naghahanda ng makakain. Mag mo-movie marathon siguro kami mamaya.

Nagsimula ang soccer game sa PS4, one of the boys ako. Pero hindi ko inaasahang sa kanila pala ako masasama. Sa mga mayayaman na kagaya ko,kaya lang gwapo sila. Mga gentleman. Mga nag-eeffort. Mga matatalino. Lalo na si Marcus. Ang dami niyang kakayahan sigurado akong magpagkamalan niyo siyang bakla dahil sa kagwapuhan niya. Kaya lang, pinipigalan ko ang sarili kong magkakagusto sa kanya. Ayaw ko kasing masira kung ano ang meron namin ngayon. Pangit naman din kung ako ang uuna. Diba?

"Yes! Panalo ako! Hoy!" Napalingon naman ako sa kanya! Shit! Nanalo siya! Kung ano-ano kasi ang iniisip ko. Tss. Kaasar!

"Ah,di wow. OA mo naman. Pinagbigyan lang tika." Rason ko. Yan kasi Samantha,focus!

"Ay sus, mahal mo lang talaga ako kaya naging ganyan ka." Namula naman ako bigla. Hala?

"Joke lang! Namumula ka?!!! HAHAHAHAHAA! Paano ako magkakagusto sayo eh mas lalaki kapa sakin." Nagiba naman ang mood ko dahil sa kanya. Aba't bwiset siya!

Sinapak ko siya at ginantihan niya din ako.

"Tama na ang paglalandian. Snacks muna." Sabat ni Ryan, isa sa mga kaibigan naming mahilig magluto.

Tinawanan lang kami ni Ryan at Marko sa tilis ng tininginan namin. Aamin ko, kinikilig ako.

Kadiri.

***

"Chikababes!" Sabay tawa nila. May babae kasing dumaan,best friend ko siya noong elementary. Noong babaeng babae pa'ko.

"Hoy,Sam. Ipakilala mo nama sa'min 'yan. Alam kong kilala mo siya. Diba?" Sambit ni Marcus.

"Huh? Hi-hindi no! Bago lang yang lipat dito!" Natawa naman siya.

"Ba't ang bilis mo nang mamula ngayon? May secreto kaba?"

"Secretong malupet~~~pwede pabulong!" Kanta ni Marko. Psh, nagaasar pa? Kung manunuod kaya kami nang horror movie mamaya?

Nagring naman ang cellphone ko at tinawagan na ako ni Mama dahil malapit na ang curfew ko.

"Hatid na kita." Nagulat naman ako kay Marcus.

"Ayaw mo ngang lumabas sa bahay dahil ayaw mong maglakad!" Malapit naman ang bahay ko sa bahay nang tatlong bib—ugok.

"Para sayo, prinsesa ka kaya ng grupo namin. Alam mo naman ang dalawang 'yan. Ang tamad." Namula naman ako buti nalang at hindi masyadong mailaw sa balcony.

"Landi nang landi, ihatid mo nayan!" Natawang sabi ni Marko at tinawanan din ni Ryan.

Naglakad na kami ni Marcus palabas at kung ano-ano lang ang pinaguusapan namin.

Hanggang sa dumating kami sa bahay ko.

"Ipakilala mo'ko sa babaeng 'yon ha! Alam kong kilala mo'yon. Regards ako kay tita ha!" At ginulo niya ang buhok ko. Tiningnan ko muna siya naglakad patalikod para makita ako. Nginitian ko lang siya.

Parang ako lang ang nagkakagusto sa kanya. Hindi niya nahahalata. Akala ko babae lang ang manhid.

***

LIKE A BOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon