Prologue

10 0 0
                                    

Araw ng Sabado nang dumating ang pamilya Bernardo galing sa isang Family Reunion.

"Ma, paano yung absences ko sa school?" Tanong ni mika sa ina.

"Akong bahala anak, panigurado namang wala pa gaanong ginawa ang school niyo sa unang linggo ng klase." Tugon nito sa anak.

"Gagawan niyo po ako ng excuse letter?"

Tinanguan lamang siya ng kaniyang ina. Matapos na magpahinga saglit galing sa biyahe ay naghain na ng hapunan ang kaniyang ina. At pinanik ang kaniyang anak na si Mika upang gisingin ito.

"Anak, tumayo kana riyan, handa na ang pagkain sa baba."

"Sige po ma, sunod nalang po ako." Sagot nito sakaniya ina at pumasok sa banyo upang maghilamos at magsipilyo.

Pagkababa nito'y nagsimula na silang kumain. Matapos namang kumai'y pumanik na si Mika at tinawagan ang kaibigang si Kiara. Ilang ring lang at sumagot na agad ito sakaniya

"Yes bes?" Sagot ni kiara sakaniya.

"Pwede mo ba akong samahan bukas?"

"Oo naman! Ikaw pa. Saan ba?"

"Sa mall, bibili lang ako ng mga gamit natin for monday, pakidala na rin yung listahan mo ng mga kailangan bilhin."

"Ah oo nga pala, sige sige."

"Sige salamat, matutulog na rin ako, napagod ako sa biyahe eh."

"Pero anong oras nga pala?" Pahabol pa nito.

"Uhm, mga 10 am? Pwede ka ba nun?"

"Ah okay, morning pala."

"Oo para hindi masyadong mainit."

"Sige, bye."

"Okay thankyou." At ibinaba na nito ang tawag. At nahiga na siya sakaniyang kama.


Kinabukasan... Araw ng linggo.

"Goodmorning anak, nasa baba na si Kiara. Hinihintay ka. Tumayo kana riyan." Panggigising sakaniya ng ina.

Nagulat pa siya ng bahagua ng makitang 10:05 na at hindi siya nagising sa alarm.

"Sige po ma, pakisabi pababa na po." Nagmadali na itong maligo nang makababa na ang ina.

Nang matapos siya ay bumaba siya agad at nandon na nga ang napakaganda at napakakinis niyang kaibigang si kiara. Binigyan niya lamang ito ng ngiti habang pababa na siya.

Ang ganda niya sa suot niyang croptop, high waist shorts, at sneakers a puti. Haaay as always. Sexy na naman siya sa suot niya kaya wala na namang nagawa si Mika kundi ang mainggit sa kasexyhan at kakinisan ng kaibigan.

"Oh besh bakit ngayon ka lang bumaba?" Tanong nito sa kaibigan.

"Ay sorry kagigising ko lang kasi." Sagot nito at saka ngumiti.  "Ang ganda mo ah."

"Para namang tayong pabago-bago niyan mika eh." Sagot nito at tumawa pa ng bahagya.

"Tara na." Yaya nito sa kaibigan. "Ma, pa, alis na po kami." Baling ni Mika sa magulang.

"Sige anak mag-iingat kayo ha." Sagot ng ina sakanila.

"Ay anak, eto pala ang pera mo pambili." Ika ng kaniyang ama at inabutan ito ng isang libo at limang daan.

"Ay oo nga po pala, buti pinaalala niyo po." Inabot ni mika ang pera at nagtaka ng makita ito. "Parang ang laki naman po yata nito, pa? Sobra po ito eh."

"Ayos lang anak, edi ibalik mo ang sukli."

"Sige po alis na po kami."

Namasahe lamang sila papunta sa mall, sapagkat wala pang sasakyan sina Mika, at sina Kiara ma'y mayroon na ngunit mas pinili na lamang nila na mamasahe na lamang.

Pagkarating sa mall ay dumiretso muna sila sa isang kainan, marahil hindi pa nag-aalmusal si Mika.

"Anong gusto mo bes?" Tanong ni Mika sa kaibigan.

"Wala, busog pa ako, sige ikaw nalang."

"Libre ko naman, sige na."

"Alam ko naman, busog lang talaga ako. Sige na."

Hindi na ito namilit pa at bumili na ng kaniyang pagkain. Pagbalik niya ay busy naman na sa pagkakalikot sa cellphone ang kaibigang si Kiara.

Nang mailapag ang pagkain sa mesa nila ay parang nagtaka pa ang itsura ni Mika, dahil ngingiti-ngiti ang kaibigan sa cellphone at hindi manlang namalayang dumating na siya.

"Anong ginagawa mo?" Agaw pansin niya sa kaibigan.

"Ah wala bes, ang gwapo kasi nitong teacher natin oh." Sagot nito kay Mika at umastang kinikilig pa matapos niya bahagyang magulat. Ngunit binalik nito ang paningin sa cellphone at nangiti pa rin.

"Nasan? Patingin nga."

Ipinakita naman ni Kiara ang cellphone sa kaibigan.

"Ano bes? Gwapo diba? Nako! Wag kang magkakamali ah!"

"Mm," umasta pa itong nag-iisip habang nakatingin pa rin sa cellphone. "Pwede naman na."

"What?! Pwede lang? Ang gwapo kaya niya!!! Duh!" Pag-iinarte pa nito.

"Oo nga pero hindi naman sobrang gwapo, kung umasta ka naman akala mo si enrique gil yang tinitignan mo."

"Hoy bakit! Di hamak na mas gwapo naman 'to sa kenneth mo!" Pang-aasar pa nito kay Mika.

"Duh, past is past, tumigil ka nga diyan. Kakain na 'ko, nagugutom na 'ko eh." Sagot nito at nagsimula na ngang kumain.

"Mabuti pa nga't kumain ka na muna at nanlalabo na ang paningin mo eh." Sagot pa nito, at tinarayan ang kaibigang kumakain na, at siya nama'y abala pa rin sa pagtingin sa litrato ng kanilang teacher.

Matapos kumain ni Mika ay nagderetso na agad sila sa National Bookstore, agad namang inabot ni Kiara ang mga kailangang bilhin, sakaniyang kaibigang si mika. "Nandiyan na lahat ng kailangang bilhin."

Tumango na lamang ito sakaniya at binili na itong lahat kabilang ang binder na kakailanganin sa klase marahil sila ay senior high na at hindi na kailangan pa ng notebook na ordinaryo.

"Ano may bibilhin ka pa ba?" Tanong ni Kiara sa kaibigan.

"Mm," sagot nito at bahagyang tumango. "May 800 pa 'to eh, tara sa dept. store." Sagot nito kay Kiara. Dumiretso naman sila agad doon, bumili lamang si Mika ng Hankies at socks, matapos ay umuwi na sila.

Nang maihatid din niya ito sa sakayan ay humalik muna siya sa pisngi nito at nagpasalamat.

"Bukas nalang ulit, bye." Sagot nito at tuluyan ng sumakay sa dumaang jeep.

You're One Of A KindWhere stories live. Discover now