Chapter 1

3 0 0
                                    

Mika's POV

Pagkarating ko sa school ay bumungad agad sa akin si Kiara, at niyakap ako na akala mo'y isang taon na kaming hindi nagkita, kaya naman yumakap na lamang din ako sakaniya.

"Tara na sa taas beshy!" Excited pa nitong sabi.

"Teka, bakit ba nagmamadali ka?" Taka kong tanong sakaniya.

"Duh 10 na kaya at simula na ng klase, tara na at baka malate pa tayo sa klase ni mister pogi!" Sagot niya sa akin at hinila ako papunta sa hagdanan.

"Teka lang naman ano ba! Madapa ako! Mahaba lang ang biyas ko pero hindi ako runner noh!" Sagot ko dito at binitawan naman nito ang kamay ko.

"Tara na kasi," yaya pa nito sakin. "Bilisan mo namang maglakad." Aniya pa nang makarating na kami sa second floor. Kaya naman binilisan ko nalang dahil hindi ako mananalo sa bunganga niya kahit pa isa rin akong isa't kalahating bungangera.

Pagkarating namin sa tapat ng room 'daw' namin ay agad siyang kumatok. Nagulat naman ako dahil nagkaklase na pala sila.

"Goodmorning Sir, sorry we're late." Bati niya rito at kung hindi ako nagkakamali'y ito yung teacher na sinasabi niyang gwapo na parang hindi naman, charot.

"Goodmorning po." Nahihiyang bati ko dito at bahagya pa akong tumango "Sorry we're late."

"Okay, come in." Sagot niya at pinagbuksan kaming maigi ng pinto.

Yun na yon? Di manlang ba siya magagalit dahil late kami? Weird.

Hindi ko na lamang pinansin iyon at pumasok na, naunang umupo si Kiara at tumabi naman ako sakaniya.

"So now, we're complete, I guess?" Ika ni sir.

"Yes sir." Sagot ng isa sa amin.

"Sino dito ang ngayon lamang pumasok?" Tanong pa nito at agad akong nagtaas ng kamay.

"Anong pangalan mo?" Tanong nito, kaya naman agad akong tumayo.

"Yumika po."

"Whole name, please."

Tch, hindi ba't makikita niya rin naman sa class record? Bwiset. Ganun pa ma'y sumagot na lamang ako. Bumuntong hininga pa ako bago sumagot.

"Yumika Raine Bernardo po."

"Nice name, okay, you may take your seat."

Nagsimula na siyang magklase at hindi naman na ako masyadong nakinig. Dahil nagbasa naman ako ng module at medyo inaantok pa talaga ako.

"Huy tara na!!" Tawag sa akin ni kiara. Masyado pala akong lutang sa sobrang antok. Kaya naman agad agad akong tumayo.

"Saan tayo pupunta?"

"Saan pa? Edi sa next class." Sagot naman niya sa akin.

"Hindi ba dito 'yon?"

Umiling lamang siya at hinila na ako palabas ng classroom. Hobby niya na talaga yung panghihila. -_-

Nagsimula ang sumunod na klase, at nang matapos ay lunch break na namin.

"Tara sa canteen."

Sumunod nalang ako sakaniya papunta sa canteen. Umorder kami ng makakain, at nagsimula ng kumain.

"Kamusta?" Nagtanong siya all of a sudden, kaya naman nagtaka ako.

Naalala ko tuloy yung nangyari samin dati.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 01, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

You're One Of A KindWhere stories live. Discover now