"masakit na"

96 2 0
                                    


Minsan mahirap itagong okay ka,
Minsan mahirap ngumiti lalo sobrang sakit na,
Minsan mas gusto natin mapag-isa,
Lumayo sa magulong mundo,
Lumayo sa mga maling tao,
Wag intindihin mga sasabihin ng ibang tao,

Minsan sa sobrang sakit na paran gusto mo na tapusin ang buhay,
Minsan sa sobrang sakit ayaw mo na magtiwala sa ibang tao,.

Minsan hirap na tayong maniwala sa sasabihin ng ibang tao.

Minsan may magugustuhan tayo,
Pero tinatago nalang natin to kasi takot na tayong masaktan.

Minsan naiisip nating mas okay ng wag umamin,
Kesa umasa, masaktan at balewalain lang.

Minsan may dadating sa buhay natin na tao,
Tatanggapin tayo,
Aalagaan,
Mamahalin,
Hindi pababayaan.

Pero maiisip mong walang permanente sa mundo,
May dadating may mawawala.

Pero kahit ganun pa man,
Tuloy lang ang buhay.

Nasaktan ka man natututo ka parin bumangon mula sa sakit na naramdaman.

Wala man sya o nandyan tuloy lang ang buhay,
Dahil ang buhay isa lang yan.  

Spoken Word PoetryWhere stories live. Discover now