Part 2

8.1K 225 5
                                    


"OF COURSE not!" tanggi ni Beverly. "Hindi ako nagsisinungaling nang sabihin kong wala akong alagang pusa. Kay Mrs. Delos Santos si Shimmie. Iniwan lang siya sa akin."

Masama ang tinging ipinukol sa kanya ng lalaki. "What do you mean, nakalimutan mo lang sandali na may alaga ka palang pusa? How convenient."

"You can't blame me," depensa niya. "I was sound asleep nang mambulahaw ka. At sa maniwala ka o hindi, naalala ko lang si Shimmie nang magpapakain na ako ng aso ko. I saw her food." Napagewang ang tayo niya nang dilaan ni Shimmie ang ukab ng talampakan niya. Malakas ang kiliti niya roon. "Shimmie, stop it."

"Saan ka nagdaan?" walang abog na tanong sa kanya ng lalaki.

"Sa pader, saan pa?" magaspang namang sagot niya rito.

Napapalatak ito. "Mukhang sanay na sanay ka nang mag-over the bakod."

Ikiniling lamang niya ang ulo. May palagay siyang itinatago lamang nito sa pamamagitan ng pagkadisgusto ang amusement. "Hindi na nga inisip ni Mrs. Delos Santos na magpataas ng pader sa gawi namin para hindi ako mahirapan. Actually, binalak nga niyang maglagay na ng maliit na gate."

"Hey, out na si Mrs. Delos Santos dito. She'll stay there for good. Now, I don't feel comfortable that there's somebody very much comfortable jumping over my fence."

"May magagawa ba ako?" nang-aalaskang wika niya.

"Oh, yes, a lot. First, please lang, tigilan mo na iyang pag-o-over the bakod mo. Second, pakitali lang iyang pusa kung hindi mo kayang pigilang lumipat dito sa bakuran ko."

"Iyon lang?" pang-uuyam niya.

"Yes, that would be all for the moment."

"May I say something?" Nang tumingin sa kanya ang lalaki, isinatinig na niya ang nasa isip. "First, old habits are hard to break. Pero huwag kang mag-alala, madali namang gawin iyon lalo na't kasinsungit mo ang makakapalit ni Mrs. Delos Santos. Baka nga kahit na bigyan mo pa ako ng tulay, hindi ko na gugustuhing lumipat sa bakurang ito. Secondly, dito lumaki si Shimmie. Sa pusang-isip niya..." She paused at napangiti.

"Well, ang alam ni Shimmie, this is her house. Hindi ko siya mapigilan kung gusto niyang lumipat dito. Sinubukan ko na siyang itali noon kapag umaalis ako pero kawawa naman. She was crying the whole day at ayaw kumain. Hindi ko siya matiis. Anyway, nang pakawalan ko ay mabait naman. And I'm sure, wala namang perhuwisyong ginagawa rito ang pusa. After all, she's more at home here."

"Meaning, hindi mo masusunod ang gusto ko?" Tumaas ang tono nito. "I'm telling you, itali mo iyang pusa or—"

"Or what?" taas ang noo na hamon niya rito.

"Lord, I hate pets!"

"Halata nga," aniyang nakaarko ang kilay. "Kunsabagay, even pets might hate you, too." Binalingan niya ang pusa. "Come on, Shimmie, baka gawin kang pansahog sa siopao rito." Nang tumalikod siya ay nakipag-unahan pa sa kanya ang pusa.

"Hey, don't tell me mag-o-over the bakod ka na naman?" habol pa ng lalaki sa kanya.

Pinukol niya ito ng nang-aasar na tingin. "Hindi ba, old habits are hard to break?"

Sa sulok ng mga mata niya, nakita niyang inis na sinipa nito ang gulong ng kotse. Napangiti siya. At least, nakaganti siya rito kahit papaano.

At dahil bihasa na, maning-mani lang sa kanya ang ginawang paglikwad sa kabila. "This is my exercise!" aniya sa sarili habang pinapagpag ang mga palad.



"MITCH?" puzzled na wika ni Pinky nang marinig ang tinuran nito.

Over The Bakod Lang Ang Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon