Four

6.5K 94 16
                                    

Hello po guys! Balak ko pong 6 chapters lang ang gagawin ko. Bale po 4 na ang nagawa ako at may 2 chapters remaining. Sana po okay na tayo doon? Sige po. Enjoy reading! :D

---------------------------------------------

"I Love You Cross! Pakiss nga" Hindi mapigilan ni Eya na lambingin ang asawa dahil sa ginawa nitong pagkanta sa TV este pagkanata ni Sync. Pero kahit sino pa yon, basta galing kay Cross ang idea. Magugustuhan niya ito.

"Bati na tayo? ha?" sabay higit sa bewang nito.

"Magkaaway ba tayo? Sorry ha. Madami lang akong iniisip nung nakaraang araw. Sorry talaga Cookie monster." pagyakap sa asawa nito.

"Tungkol parin ba ito dun sa nakita mo? Hindi si Memo yon dahil kasama niya mismo si Aly ng pumunta sila dito. Don't mind them na lang." inalis ni Eya ang pagkayakap sa asawa at umupo sa kama.

"Alam ko. Walang kinalaman dito si Memo, ang problema ay ang Ysabel Wilford na yan. She still like you at pinagbantaan niya akong aagawin ka niya sa akin." may gumuhit na ngiti sa maga labi ni  Cross. Kahit mag-asawa na sila at meron ng anak ay nagawa pa nitong magselos. Umupo ito sa tabi ni Eya.

"Silly you. Huwag mong sabihin na pinagseselosan mo ang batang yon? You're my wife and im yours..forever." Hinalikan nito ang asawa.

"I know. At hindi ako nagseselos. Alam kong mahal na mahal mo ako. And i also love you. Hindi kayang sirain ni Ysaw yon." Natigil ang pag-uusap nila ng kumatok si Manang sa pinto nila. Malakas at mabilis yon.

"Bakit manang?" tanong ni Cross na nagulat sa ekspresyon ni Manang. May halong takot at pagkabalisa ang mga mata nito.

"Si-sir si..si Cris po.." paputol-putol na sabi ni Manang.

"Bakit nasaan si Cris? Manang ano ba?" mangingiyak na sabi ni Eya.

"Nawawala po si Cris-" Dali-daling bumaba ang mag-asawa at pumunta sa crib kung saan iniiwan si Cris. Wala nga ito dito. "Kumuha lang po ako ng gatas niya sa kusina ng datnan kong nakabukas ang pinto at wala na si Cris. Pinukpok din nila sa ulo ang mga guards natin. Nakasakay sila sa isang Van." Umiiyak na sabi ni Manang.

Lumapit dito si Eya at niyakap ito. Lumabas naman si Cross upang humingi siguro ng tulong. "Tama na Manang. Walang may kasalanan dito. Hindi natin gustong mangyari ito. Mahahanap din siya ni Cross." pati siya ay naiyak na din

---------------------------

"Cross. Anong balita? Nasaan daw ang anak natin?" tanong ni Eya pagkadating ni Cross. Umiling lang si Cross. Napahawak siya sa braso nito. "Hanapin mo ang anak natin. Please..Cross"

"Alam na ni Dad ang nangyari. Tinawagan niya lahat ang kilala niyang pwedeng makatulong sa atin. May naghahanap na din kay Ysa kung sakaling may kinalaman siya dito." Yinakap ni Cross si Eya para pakalmahin ito. "I'll do anything to find our son. Don't worry"

"Sana walang kinalaman dito si Ysa dahil hindi ko siya mapapatawad. Papatulan ko siya kahit kasalanan pa ito." 

-----------------------

Nalaman na din ng mga kabarkada ni Cross ang nangyari. Lahat ito ay tumutulong sa kanila. Naiwan ang mga babae sa clubhouse  ni Memo at nag-alay ng dasal para sa kaligtasan ng anak ng Eyoss at sa mga asawa nito sa pangunguna ni Eris.

"huwag kang mag-alala Eya. Hindi Niya tayo pababayaan. Magtiwala lang daw tayo sa Kanya" ani ni  Eris na tila kausap ang Diyos.

"Kaya natin ito." Sabi ni Sena.

"Salamat" ito na lang ang nasabi ni Eya ng lumabas sa balita ang nangyayari sa warehouse na pinagdalhan ng anak niya. May malaking pagsabog na nangyari at ang mga asawa ng mag ito ay nasa loob ng warehouse.

"Cross! Cris! " sigaw ni Eya sabay ng pagtulo ng mga luha nila.

--------------------------------

ayan. Walang draft yan. Kung ano ang nasa isip ko yun ang tinatype ko. Hindi ko na rin inedit kasi maikli lang naman. Sana magustuhan niyo. Bye. :D

Eyoss' Little AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon