Chapter 5

18 2 0
                                        

Totoo

Momo point of view...

4 years later...

Nandito kami sa dating bahay nila Riyu...kailangan kong kumilos na parang alam na alam ko ang dati nilang bahay

Kailangan ko tong gawin para sa matalik kong kaibigan,walang nakaka aalam sa friendship namin,challenge lang namin yun

Para bang friendship goals ganun...pero patay na sya,walang nakakaalam na bumisita ako sa puntod ni Riyu

Pero wala yun sa graveyard nang clan nila,nasa isang sikretong lugar ang abo ni Riyu,at ako, si Lola at si Lolo lang ang nakaka alam kung saan naka libing ang abo nya

Naaalala ko pa...madalas pinag kakamalan kaming kambal dahil sa sobrang mag kahawig kami,nakaka miss kasi tinatawag kami nang mga taong cute twins...haysst...

Pinasok ko ang lugar natoh,para tuparin ang kahilingan ni Riyu...bago sila magtungo sa Hokkaido...binigyan nya ako nang sulat

Dear Momo,

           Kung mababasa mo ito,nag papasalamat ako sa lahat lahat nang ginagawa mo sakin

  Sa gabing ito may mangyayaring hindi maganda,gagawin ko ang lahat para protektahan ang mahal kong kapatid,kapag nagawa ko yun

Gusto ko sana na...ganun din ang gawino mo sakanya kapag wala na ako,parang awa wag na wag mong sasabihin kanila lola ang tungkol dito

Pag bibigyan kita,gagawin kitang detective nang kasong Ito,gusto kong ikaw ang mag hanap nang katotohanan sa likod nang mga pangyayaring ito

Dahil hindi ito aksidente,isa itong kaso nang pagpatay

-Riyu

Ang weird nang sulat,nung bata pa ako,hindi ko pa alam kung ano ang gagawin ko.pero ngayon...sisimulan ko na

Hahanapin ko ang pumatay sakanya at poprotektahan ko si Yuriko at ang Sikreto naming dalawa ni Riyu

Dahil yun ang tungkulin nang isang matalik na kaibigan

Kapag nalaman ko na ang totoo sa likod nang kasong ito,sasabihin ko na din kay Yuriko kung ano talaga ang nangyari

Sasabihin ko sakanya ang totoo na...

Hindi ako ang Niichan nya...

Im Not Your NiichanWhere stories live. Discover now