"Anak"(part2)

19.2K 179 11
                                    

Mga bandang 11 am, nakita nila itong muli sa hagdanan na tulad lang ng pwesto niya kahapon. Kinunan siya ng litrato para ipakita sa TV at baka may nakakaalam kung sino siya.

Sinama ni Mark ang bata para maaliw sa mall habang iniimbestigahan ang kanyang identification. Iniwan muna siya ng social worker para i-process ang kanyang transfer. Ngunit napansin niya na lang bigla na, nang dumaan sila sa isang TV display setup na may live camera, wala siyang kasamang bata.

Bumalik ulit sila sa tapat ng camera at wala pa rin ang pigura nito, pero hawak niya ang kamay nito. Agad na tumayo ang kanyang buhok sa batok. Dinala niya ang bata sa security office, naalala niya na yung batang iyon ang laging nag papakita sa office niya at nanggugulo ng kanyang mesa.

Tumawag din ang social worker ng munisipyo, nagkaroon daw ng diperensya ang kanyang digicam dahil walang image ng bata ang nakita sa litrato. Hindi na ipinagtaka ito ni Mark dahil sa nakita niya sa tapat ng appliance store.

Tumayo lahat ng kanyang balahibo, tinanong niya ang bata kung siya ang nagbabasag ng elevator panel. Sinabi niya na hindi daw siya. Ang kasama niyang lalaki na nasa itaas lagi ng elevator daw ang gumawa nu'n.

Dahil sa hindi sinasabi ni Mark ang mga insidente sa hindi paglitaw sa bata sa mga cameras, walang idea ang mga sekyu kung ano at sino ang bata.

Dinala niya ang bata sa security office. Ipinalabas niya lahat ng security tapes na kung saan nakita ang bata. Hinintay nila magsara ang mall, bago sila kumilos para malaman talaga ang kuwento ng bata.

Pagdating nila sinabihan ni Mark na siya na lamang ang makiki pag usap sa bata kaya pinaupo niya ito sa conference room at sa labas ay ang social worker. Napansin niya na biglang tuliro ang bata at parang hindi mapakali sa pagkakaupo niya.

Plsss....... wait the next part!
Thank you!

Horror stories (tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon