1."Walang Titulo"

49 6 0
                                    

Walang Titulo

Pagmamahal na hindi napag-aralan
Pero sayo ko ito natutunan
Pagmamahal na hindi ko inaasahan
Pero sayo ko ito naramdaman

Pero bakit,ako lang ata ang nagmamahal
Bakit pakiramdam koy may iba ka nang minamahal
Bakit pakiramdam ko na kahit minsan di moko magustuhan
Bakit kahit minsan di ko maramdaman na akoy pwede mo ring maging mahal

Sakit.
Limang letra ngunit doble doble ng bawat letra ang nararamdamang sakit
Mahirap hanapin ang lunas lalo na kung may nararamdaman din akong galit
At nararamdaman ko din na ang puso kung ito ay parang unti unti mong pinupunit

Sakit.
Oo isang salita
Ngunit doble nito ang binigay mo saking sakit
Laging nagkukunwari sa harap ng lahat na walang hinanakit
Pero alam mo yung totoo?Oo ang sakit sakit ngunit alam kong kaya mo lang balewalain ang nararamdaman kong sakit at pait

Sa araw araw na tayong magkasama
Para bang isang multo lang ako na di mo makita
Sa araw araw na tayong magkasama
Parang isang bagay lang ako na di na nagagamit kaya binabalewala na

Manhid ka ba talaga?
O sadyang hilig mo na ang mambalewala ng iba
Alam ko na alam mo ang nararamdaman ko sayo
Dahil alam ko na itoy kumalat na at sa tingin koy umabot n din ang balitang ito sayo

Ano ba kasi ang meron sayo
At sayo pako nagkagusto
Bakit kahit alam ko ng wala nakong aasahan sayo
Eto pa rin ako nagpapakatanga at hanggang ngayon naghihintay pa din sayo

Oo ang TANGA ko
T-iwalang tiwala ako sayo na mapapansin mo din ako
A-raw-araw pa rin akong aasa at nagpapapansin sayo
N-gunit kahit ata tingin o ngiti man lang ay mananatiling nasa imahinasyon ko
G-inagawa ko naman ang lahat ngunit di pa rin ba sapat ang lahat sayo
A-ng sakit sakit na nito pede bang sabihin mo na sakin ngayon na TAMA NA,AWAT NA DAHIL DI NAMAN KITA GUSTO

Tanging yan nalng ang hinahangad kong sabihin mo
Kahit masakit ay tatanggapin ko
Kesa naman umasa lang ako  sa wala at sa gusto kong sabihin mo na mahal mo din ako

Dahil Pagod at sawa na kong umasa sayo at mahalin ang isang tao na parang turing sakin ay multo

Spoken Word (Poetry)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon