Chapter 1

3 0 0
                                    

AMIRA SOLOCIO'S POV

"Hello Daddy! Mukhang makakasama ko na kayo ni Mommy sa heaven soon. Miss ko na kayo." I smiled while i'm looking at their names. I miss my parents, so much.

"I'm a sinner pero I know God already forgave me and in the right time he will send me to heaven para magkita kita na tayo. I miss you guys! I will be there soon. Bye po muna for now. " Hinalikan ko muna ang dalawang rose na dala ko at nilagay sa kanya kanyang puntod.

My family loves roses. Sa bahay ay may taniman kami ng roses. My mom loves white roses and my dad loves to plant it for my mom.

Naglakad na ako palabas ng sementeryo. Soon my body will be burried here and I think I need to ready myself.

Pumasok ako sa kotse ko ng may tumawag sa cellphone ko.

"Amira! Where are you?!" Ramdam ko ang takot sa boses ni Tita sa ikalawang linya.

"Tita, I'm here at the cemetery. I'm fine po." I'm trying to assure her that I'm okay. Pag alam kasi ni tita na umalis ako sa bahay she will panic right away. She's scared na hindi na ako makauwi.

"Are you sure? Ininom mo ba yung mga gamot mo. May nararamdaman ka ba na kahit anong masakit? I'm worried, Amira. I'm so worried that I don't know what to do anymore. I don't want to lose you." Narinig ko ang hikbi ni tita and I cried too. I want to live but I can't do anything. As much as possible nireready ko na rin ang sarili ko. I love her but I can't tell my self to live a longer or my sickness na iwan na ang katawan ko.

"Tita you know that I love you right? For you and Tito,  I will fight. So don't worry po. I will go home later. Kaya ko po ang sarili ko. Mag- iingat po ako, I promise." Tinaas ko ang kamay ko na parang nangangako sa harapan niya.

Tumigil na din siya sa pag iyak at narinig ko ang pagbuntong hininga niya.

"Take care honey. Be safe okay?"

"Yes po! Bye tita." Tinapos ko na rin ang tawag at nilagay ang cellphone ko sa bag ko. Pinaandar ko na ang kotse at nagdrive papunta sa isang lugar na gusto gusto kong puntahan.

May nakita akong motor. Kaya pinark ko yung kotse ko malapit dun at lumabas. This place is so good. Nalalanghap ko ang simoy ng dagat.

"Tangina mo! Wala akong pakialaman kung wala kang pera. Basta magbayad ka ng utang. Bukas na bukas hihintayin ko yung bayad mo." Tumingin ako sa kanan kasi doon ko naririnig ang taong nagsasalita. Nakatalikod ko siya sa akin at hindi ko siya mamukhaan. Marahas niyang pinatay ang telepono at nagsindi ng sigarilyo niya. Humarap siya at naglakad  papalapit sa akin.

Naka suot lang siya ng puting v-neck na tshirt, black cap at maong na pants na sinamahan ng puting sapatos. Makikita mo din ang malaking tattoo sa sa kaliwang braso niya at maliit na tatoo sa kabilang kamay niya and he looks mad, really really mad.

"Putanginang buhay to oh! Bakit hindi nalang ako mamatay." Nagpanting ang tenga ko. Hindi niya ata ako napansin kasi sige pa rin siya sa paglakad papunta sa motor niya.

"Kuya, excuse me? You okay?" Hindi ko napigilang tawagin siya. Kanina pa kasi siya mura nang mura. I know this is wrong to talk to strangers pero hindi ko alam kung bakit biglang na bother ako.

"Oh bakit bebot? Wala akong oras tumikim ng babae ngayon kaya umalis ka diyan. Paraan" Hindi niya ako pinansin at lumapit na siya sa motor niya.

"Nagtatanong lang naman ako." Mahinahon kung sabi. Niyakap ko ang sarili ko nung umihip yung malakas na hangin buti nalang may sweater akong dala.

"May sinabi ba akong magtanong ka? Wag mo akong pakialamgan.  Hindi mo ako kilalala. Umuwi kana, magagabi na baka ma rape ka pa." Sumakay siya sa motor niya at bigla bigla itong pinaandar at iniwan akong mag-isa.

"Praying that he will be okay." nagbuntong hininga ako. I know he's suffering. I can see it in his eyes and I can feel it.

Take Me As I Am Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon