Nakaranas ka na bang mahulog sa taong di ka kilala? Nahuhulog ka sa bawat salita at kilos niya? Pag nakita mo siyang nakatingin sa iyo eh sa isip moy gusto ka rin niya? Yung tipong umaasa ka na isang araw mapansin ka rin niya? Yung feeling na gusto mo siyang kausapin at kaibiganin kasi gusto mong gumawa ng paraan para makausap ka niya. Hahay buhay.. oo, naranasan ko na rin yun. Yung tipong pag dumadaan siya sa harap mo ay hinihiling mo na lumingon siya sayo at ngumiti. Lahat yun, oo... isang guni-guni.
Naranasan niyo na ba yung magkagusto sa taong hulog na hulog sa iba? Yung tipong nakikita mo siyang umaagaw tingin sa taong gusto niya. Aw </3 OO, ang sakit! Grabe ang sakit! Tanga ko rin teh, hindi pa nga niya ako kilala eh ak nasasaktan na sa pinaggagawa niya. Tanga lang?! Haha. Ang problema kasi, assuming ako. Oo, assuming. Yun yung term para sa mga taong katulad ko n iniisip na lahat ng ginagawa ng taong gusto ko ay para sa akin kahit hindi naman. Haha. Yun yung mga tao na katulad ko, ayaw masaktan. Kahit di nagbibigay motibo yung lalaki eh panay asa naman ang babae. Siguro nabubulugan nga naman talaga pag love na ang pinag-uusapan.
Ewan ko ba kung bakit hulog na hulog ako sa kanya.. Sa tuwing nakikita ko siya na kasama ang babaeng gusto niya, para bang tumitigil ako sa paghinga. Haha. Nakakatawa siya kasi ang korne ko sobra pero pag ikaw umiibig ng palihim at wala kang magawa dahil una, hindi siya interesado sa iyo.. pangalawa, di ka niya kilala.. pangatlo, di ka niya gusto at pang-huli, may gusto siyang iba... naku! Tiyak sira ulo mo day!
Andami pa namang lalake diyan.. pero bakit sa lahat siya pa ang nagustuhan? Bakit rin kaya ako nasasaktan? Siguro nga pag-ibig tong nararamdaman? Ewan lang...