chapter two

3 0 0
                                    

Kellin POV

Hatinggabi na ako nakauwi dito sa

bahay.Dali dali akong pumasok sa

loob ng bahay pagkababa ko ng

sasakyan para tingnan si Jazztine

dahil nag iisa lang sya dito at

gabi na at wala pang kasama.

Kumatok ako sa kwarto nya pero

walang sumasagot kaya pinihit ko

ang seradura ng pinto at itinulak

ito at bumukas.Pumasok ako sa

loob at doon ay nakita ko si

Jazztine na patagilid na nakahiga

sa kama.Blouse na umabot sa siko

ang suot na paitaas at palda na

halos umabot na sa sakong ang

kanyang suot.Napakasarap nyang

pagmasdan habang natutulog.

Hindi ko napigilang haplusin ang

kanyang mukha.Dahil sa ginawa

ko ay nagising sya.Pagmulat ng

mata nya at nakita nya ako ay

biglang balikwas nya.

"A-anong ginawawa mo dito sa

loob ng kwarto ko?" tanong nya

habang yakap nya ang kumot.

"Ahm...Kadarating ko lang kasi

kumakatok ako kanina kaso

walang sumasagot .Hindi naman

nakalock yung pinto kaya

pumasok na ako."sabi ko na lang

"Bakit?Maykailangan ka ba?"

tanong nya uli.

"Tatanungin sana kita kung

kumain ka na."sagot ko uli.

"Kumain na ako.Pinagluto muna

ako ni ate Julie kanina bago sya

umalis."paliwanag nya

"Okey.Sige.Matulog ka na uli"

sabi ko at lumabas na ako ng

kanyang kwarto.

Pagkapasok ko sa aking silid ay

tuloy tuloy ako sa banyo at agad

kong hinubad ang mga damit ko

at nagbabad sa shower.Ang

daming tumatakbo sa aking

isip.Paano ko ba sasabihin kay

Jazztine na kailangan naming

magpakasal sa lalong madaling

panahon.Dahil yun ang gusto ni

Papa at ni tita Jenny upang

tuluyan nang mapunta sa akin

ang mga ari ariang naiwan ni

Papa.Dahil kung hindi ko to

magagawa ay mapupunta kay

Vic,anak ng pinsan ni Papa, ang

lahat ng naiwan ni Papa.Na ayaw

ko namang mangyari dahil wala

akong tiwala kay Vic.Alam kong

walang halaga sa kanya ang

kumpanya namin baka nga

ibenta nya lang ito at pagkatapo

ay magliwaliw na lang sya sa

ibang bansa.At hindi ko yun

mapapayagan kaya kailangan

ko nang kumilos.Handa kong

gawin ang lahat para sa

kumpanya dahil alam kong para

sa akin talaga yun.

Ang balak ko lang naman talaga

nang pumunta ako sa kumbento

ay para lang dalawin si Jazztine.

Na curious lang talaga ako sa

kanya dahil sa gustong mangyari

ni Papa.Bakit kay Jazztine pa?

Marami naman na ibang babae

bakit sa sya pa ang gusto ni Papa.

Alam naman ni Papa na may

girlfriend na ako si Britney.

Nang malaman ko na na balak

magmadre ni Jazztine ay pilit ko

na syang isinama.Idinahilan ko

na lang na yun ang gusto ni tita

Jenny na kanyang ina,na sa akin

sya ipinagkatiwala nito.Mahabang

paliwanagan pa nga ang ginawa

ko para pumayag syang sumama

sa akin.At heto na nga kasama ko

na sya.Ang kailangan ko na lang

ay ang sabihin sa kanyang

kailangan naming magpakasal

at kung paano ko sya mapapa

payag.Alam kong hindi sya

papayag lalo na at gusto nya pala

na magmadre. Habang iniisip ko

pa lang na magmamadre sya ay

nanghihinayang na ako sa kanya.

Maalala ko pa lang ang maganda

nyang mukha ang bilugang mata

na may malalantik na pilik,ang

matangos na ilong at mapupulang

labi ba parang kay lambot at kay

sarap halikan ay lalong nakaka

pagpainit ng aking katawan.

Tinapos ko na ang aking paliligo

at humiga na sa kama na si

Jazztine pa rin ang nasa isip ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 23, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

if Love is a Labor...ill Slave till the endTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon