Title: MEMORIES OF SUMMER
Genre: Teenfiction
Author: donnionsxx04KHAILA SUMMER HARACON POV:)
Hawak ko ang isang ballpen na binili ko palang kanina sa isang maliit na market habang nakaupo ako sa isang bench at nasa hita ko ang ang isang maliit na notebook kung tawagin ko ay Diary o "Memories of Summer".
Balak ko sana magsulat sa Diary ko ngayon pero nawawala ang atensyon kada nakikita ko ang pinakamamahal at kinaadikan kong lalaking nakilala ko. Walang iba kundi si Jake Night Evangiles.
Nasa Auditorium ako ng school namin at nandito ako ngayon. Nakaupo nga sa bench habang pinapanood na naglalaro si Night na nag babasketball. Di ko alam panu nagsimula ang lahat. Paano nabuo ang lovestory naming dalawa. Lahat na iyon ay nakasulat sa Diary ko. Kung tawagin ko ay "Memories of Summer".
* *FLASHBACKS* *
Naglalakad ako ng hallway ng school namin nang biglang may tumawag nalang sa aking pangalan.
"Summer!"
Takang napalingon naman ako.
Natigilan nalang ako nang makita kung sino ang tumatawag sakin. Walang iba si...
Hihingal-hingal nang makalapit ito sakin.
"A-ano yun?" bahagyang nautal tanong ko kay Night. For the first time banggitin niya ang aking pangalan. Nakakapagtaka rin bakit niya ako tinawag. May kailangan ba siya sakin? Di naman kami close ee. Hanggang sulyap lang ako sa kanya.
Yes. Crush ko si Night since Grade 7 palang kami hanggang ngayon na Grade 12 na kami at magtatapos na, crush ko pa rin siya at di yun nagbago. Section A ako at kilala ako sa school namin dahil isa akong matalino at nakasali ako sa Top 5 na Beauty and Brain.
Si Night naman ay Last Section. Kilala siya sa school namin. Isang Varsity Player sa Basketball, Heartthrob pa sa school namin at kilala noon bilang isang Bad Boy. Dati kasi nambubully siya at pala away noon. Nagbago nalang iyon nung tumuntong siya ng Grade 11. Di ko alam ano dahilan bakit nagbago nalang siya at naging Good boy na. Siguro may babae nang nagpapabago sa kanya.
"M-may g-gusto akong sab-bihin sayo." pahinto-hinto at pautal-utal na turan maya-maya ni Night. Baka hinihingal pa siya kaya ganun siya makapagsalita.
"Ano yun?" di ko magawang tingnan ang mga mata niya pero pinilit ko pa rin tingnan ang mga mata niya.
"Hmm wala! Hahaha! Advance congrats pala sayo dahil ga-graduate na tayo. Hehehe!" sabi nalang nito.
"Ah? Hehe salamat." sabi ko nalang din at pinilit na ngumiti. Kala ko pa naman aamin na siya. 😒
Aamin? Ano naman aaminin niya? Panigurado di niya ako gusto. May iba na ata siya ee. 😣
"Bye." paalam nito agad at umalis na.
Naiwan akong napa-pout nalang.
* * * *
Binuksan ko ang Locker ko para kunin ang notebook na iniwan ko doon. Saktong pagkabukas ko, may nahulog na isang pink na maliit na sobre.
Lagi-lagi nalang may natatanggap akong Love letter galing kay Mr. ENJ. Di ko nga alam kung sino siya. Napaka-misteryoso ang Secret Admirer ko.
Kinuha ko naman iyon sa sahig at binasa.
To: Summer
I loved you yesterday. I'll love you today and I'll love you tomorrow for infinity and beyond.
