Naglalakad lang ako patungo sa lugar na kinaroroonan nila,sa lugar kung saan sila natutulog ng mahimbing. Masakit man tanggapin na wala na sila ay wala akong magagawa kundi tanggapin na wala na talaga sila at isa pa alam kung yun ang gusto nilang gawin ko.Hindi ko na namalayan na nakarating at umiiyak na pala ako kaya pinunasan ko yun gamit ang kamay ko.Hanggang ngayon masakit parin sa akin ang nangyari.Inilapag ko ang dalawang bulaklak sa tabi nila at sinindihan yung kandila na nasa puntod nila.Napangiti nalang ako nung makita ang pangalan nila
'***** ***** ******'
September 19 19** - ******* 15 20**'****** ****** *****'
Febuary 26 19**- *******15 20**"Kamusta na kayo?"- ako
"Pasensya na kung ngayon uli ako nakadalaw ha?alam niyo naman ang ginagawa ko*smile*- sabi ko habang tumutulo yung luha ko
"At alam niyo namang para sa inyo to at hindi ibig sabihin na tanggap ko na ang lahat ay wala na akong gagawin.Gusto ko silang pagbayarin ang ginawa nila sa inyo,Gusto ko makamit ang hustisya *sob* hindi ko alam kung saan patutunguhan to basta ang alam ko hustisya ang kailangan ko, hustisyang ako ang gagawa"- sabi ko habang patuloy sa pagiyak
"Bat ganun?bat niyo ako iniwan?Ba't nauna kayo?sabi niyo sa akin na sabay tayo pupunta pero ano to?*sob*sob*ang unfair niyo talaga kahit kailan.Bat ba kayo ganito *sob*sob* pero okay lang,naintindihan ko na hindi hahaha"- malumay na tawa ko
"So paalam na sa inyong dalawa aalis na ako.Tandaan niyo palagi na mahal na mahal ko kayong dalawa"- nagbye na ako sa kanila at uma---
*KRRRRRIIINNNGGGG!!!*
*KRRRRIIIINNNGGGGGG!!!*
*BOOOOOGGGSSSHHH*
*CCRRRAAAACCCKKK*
"Aisshh shibal gyeongbo"- alam ko sa sarili ko na tinapon ko ang letseng alarm clock na yun.Ang ingay d matapos tapos yung tunog,tsk!!Ngunit bumangon narin ako.Napatingin ako sa dingding kung nasan yung orasan,buti pa yan sumusunod sakin hindi nagiingay.Ako na baliw,tsskk!!
((Shibal gyeongbo = fuck alarm))
6:30 na pala kaya pumasok na ako sa sa c.r para maligo pero may napansin ako.Tumingin ako sa salamin.Nakita kong may luha sa pisngi,tch!umiiyak nanaman ako.Pinahiran ko nalang yun gamit ang kamay ko tas naligo, mahigit isang oras ako naligo bago matapos kaya pagkatapos ko ay agad akong lumabas at nagbihis
Sinuot ko yung white sleeveless na sinapawan ng black leather jacket at black jeans rin na may style na butas sa may hita ko,black combat boots narin yung ginamit ko.Pagkatapos ay agad akong bumaba para kumain
"Good morning young lady"-bati sa aking ng mga maid at ng butler ko
"Young lady achim junbi dwaess-eo"-sabi sakin ni Chef Lee ang tagapagluto sa akin,Oo akin lang dahil ako lang naman ang nakatira maliban sa mga maid at butler,minsan rin dito tumitira c chef..Wala yung pamilya ko dito dahil nasa Pilipinas silang lahat at ako lang yung nandito.
((Achim junbi dwaess-eo = your breakfast is ready))
Hindi ko nalang sya pinansin at umupo na para kumain,lahat ng paborito ko na pagkain nailuto ni chef
Nangugutom tuloy ako.
YOU ARE READING
Sthaithous Academe: The Vengeance (HIATUS)
Action(HIATUS) My silence is not my End but The Beginning Of My Precious Revenge