One Can Love Two by Koyajin Ü

172 11 2
                                    

One Can Love Two <3<3

by Koyajin ~

-

*Prologue*

Haayy! Grabe naman. Ang bilis namang matapos ng bakasyon. Pasukan na naman namin nextweek. Excited din naman ako pero hindi masyado. Ibang school na kasi ang papasukan ko. Nilipat ako nila Daddy ng school dahil sa balitang nahuli daw akong nangungupit sa canteen. Alam niyo, nung kumalat 'yun, natawa na lang ako. Paano ba naman kasi ang sinabi nung nakakita kuno daw sa akin na nangupit e nakita niya daw ako nung lunch break. HAHAHA!

 

Kung iisipin niyo, sinong timang ang maglalakas-loob mangupit sa ganong oras?

I was like, Duhh? Lunch break 'yun at malamang maraming tao. So, ayun nga. Dahil dun nilipat ako ng parents ko. Sinabihan ko silang okay lang sa akin na doon pa din ako mag-aaral kasi alam ko naman sa sarili ko na hindi ako gumawa nun. At syempre ayoko ring mag-transfer kasi nandun 'yung mga kaibigan ko at crush ko. 

:P Hihih

Pero may magagawa pa ba ako? Natural, wala. Ito rin naman ang makakabuti para sa akin, tulad nga ng sinabi ni Mommy, mas okay na daw na ilipat ako kesa lumala pa ang mga balitang hindi totoo.

Tama naman siya kaya nga siguro dapat maging masaya pa din naman ako. Alangan namang magmukmok ako dahil lang ililipat nila ako ng school deba? :)))

Naisip ko rin na magiging exciting ang paglipat ko kasi magkakaroon na naman ako ng mga bagong kakilala. Mga new friends and classmates. And of course, mawawala ba ang bagong lovelife?

HAHAHA! Chos. Medyo matagal na din kasi nung huli akong nagkaroon ng boyfriend. Mga 2 years na din. Bago ako mag-3rdyear 'yung last.

Pero de naman ganun kaworse mawalan ng boyfriend kasi may maganda naman siyang reason kung bakit kailangan naming mag-hiwalay. Umalis kasi sila ng parents niya, nagpunta sila sa London nun para doon na tumira saka para dun na rin sila magtuloy ng studies nila.

Tsk, nung sinabi niya 'yung tungkol dun, syempre nagcry-over-the rainbow ako. Hahaa~

Ikaw ba naman kase iwan ng first love at first boyfriend mo for the first time e hindi ka manlambot na marinig 'yun. Pero syempre pinayagan ko siya. Girlfriend lang ako para pigilan siya. Tapos nun ayun na nga, we broke up a week before ng flight nila. De naman ako galit sa kanya, not at all. Wala naman siyang kasalanan e. Masaya pa nga ko para sa kanya, kahit sino naman siguro deba? :))

Saka atleast kahit nagbreak kami, wala kaming naging serious problem bago nun. Unlike ng sa iba, nagbebreak because of effin' third parties. =))

Anyways, papasok nga pala ko sa Kingsleigh High. 4thyear HS na ako at syempre transferee. Actually, de ko parin alam ang pasikut-sikot sa bago kong school. Isang beses pa lang kasi akong nakakapunta dun. Gusto nga ko samahan ni Mommy na maglibot bago pa magstart ang klase pero I told her I'm fine na ako na lang bahala mag-explore dun.

Ayoko kasing laging nakadepend sa parents ko, kahit sila na mismo nag-iinsist. Ayoko kasi laging nasa akin 'yung atensyon. Pero may mga kapatid ako ah? Baka kase iniisip niyong bugtong na anak ako ng mga Honeycutt. HAHA, oh? Nganga sa surname namin? Apilyido lang 'yan. :)))

One Can Love Two &lt;3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon