Between the Lines

2K 79 18
                                    

--------------------------------------------------------------------------

Between The Lines

(c) supergirlwearspants

--------------------------------------------------------------------------

"I love you, don't you know that?"

" I've been hiding it, but I can't hide it anymore."

"I was hoping that you feel the same way too."

Dugdug.

Dugdug.

Dugdug.

Grabe... Kinakabahan ako!!!!

Bakit ba? Ano bang meron? Eksaherada naman ako kung kabahan!

Makakapartner ko lang naman kasi yung crush ko sa presentation namin mamaya sa Theater Class! Anebeeee! Keri ko ba 'to?!?! Alam kong ang tagal-tagal ko nang hinihintay na mangyari ito sa buhay ko. Ngayon, mangyayari na siya. Pordapersttaym. Pero bakit ganito... hindi talaga ako mapalagay!

Dugdug.

Dugdug.

Dugdug.

Hindi ko rin alam kung paano ko i-hahandle yung sitwasyon. Nakakailang na ewan eh, pero gustong-gusto ko naman! Bakit ba ganito ka-kumplikado pa ang nararamdaman ko? Makaka-acting kaya ako ng matino nito mamaya?!?!

Tapos ayun... love story pa yung pinapa-present sa amin. Musta naman diba?

Naaalala ko lang noon...

*flashback*

 

"Your theme must be related to love."

 

Hala! Nakaka-excite naman itong play na 'to, lagi kaya ako nagiging interested tuwing tungkol sa love 'yung theme. Hindi naman na gusto kong makasali... pero aaminin ko na gusto kong maging lead role sa mga ganito. Ohmaaay, magkagrupo pa naman kami ni crush dito! Sakto lang sana oh, instant chansing pa ako niyan sa kanya kung sakali! Hahaha, joke lang! Pero hindi na ako nag-aassume na mangyari yun... Malabo kaya!

 

"Who will be our loveteam?" Sabi ng lider-lideran namin sa grupo.

"I'll volunteer."

Owmaygally! Nag-volunteer si Gian na maging lead role! Sht naman, gusto ko tuloy mag-volunteer din para maging ka-loveteam niya dito. Sayang naman ang opportunity oh! Shemay gusto ko talagaaaa! ^o^

"So, who will be Gian's partner?" 

Hindi ako mag-assume. Hindi ako mag-assume. Hindi ako mag-aassume! My gally, itatak ko dapat 'yun sa utak ko. Ang sakit kayang umasa sa wala, ayoko lang ma-disappoint nang bongga kung hindi naman ako ang mapipili dito.

 

"How about MK?" ANO RAW?!?! O_______O Pero infairness, kinikilig na ako ngayon palang! :">

Kunwari nalang medyo doubtful ako maging ka-loveteam ni Gian para hindi halatang gustong-gusto ko 'yung role ko. Syempre, para-paraan lang din 'yan para hindi mahalata ni Gian na crush ko siya! Mahirap nang mabuko nang wala sa oras sa mga ganitong panahon ah.

 

"I agree! I think Gian and Michelle should be our loveteam."

"Is it okay, MK? Gian?"

Between the LinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon