(Editing**)
PrankMaaga ako gumising ngayon dahil papasok pa 'ko sa part time job ko sa isang mini mart. Matagal na 'ko sa trabahong ito at madami dami narin naman ang napasukan ko nang iba't ibang trabaho tulad ng pamimigay ng flyers advertisment at leaflets ng mga School at mga Company Goods. Naging taga deliver na rin ako sa Bok Chicken at Sunny Dine. Mahirap sa una lalo na kung hirap ka sa mga requirements pero kung matiyaga ka, mababawi mo din naman lahat.
"Good Morning Sir." Pumila ang isang matandang lalaki at binayaran ang mga pinamili niya.
Bumukas muli ang glass door.
"Good Morning Sir--" napatingin ako sa isang seryosong lalaki na naka uniform ng Joyeon High. Nakilala ko agad siya dahil sa supladong aura niya.
Siya yung masungit na hindi man lang ako tinulungan sa bike ko kahapon.'Bakit ang aga naman yata niya?'
Kumuha siya ng isang branded na softdrinks at nilapag sa harap ko.
Agad ko itong iniscan. At agad naman siyang nag abot ng bayad."Ba't ang aga mo?" Tumingin ako sa name tag na naka sukbit sa bandang kaliwang parte ng uniform niya.
'Vince Morana' ang naka saad doon.
"Tsk. Pakelam mo?" Hindi na niya inantay ang sukli at agad na umalis.
"Sungit"
Mga tumatakbong estudyante ang naabutan ko pagtungtong ko sa hallway. Mga tawanan na para bang may nangyari na nakakatawa.
Agad kong tinahak ang kwarto na napapaligiran na ngayon ng mga pulis na may nakaharang na dilaw na tali sa paligid na nakasulat ang 'Do Not Cross The Line'.Palapit pa lang ako ng bigla akong harangin ni Sir Chen.
"Ah, Ms. Kim, doon ka na lang sa quadrangle, pumila ka sa 12-B, nandon na sila." Pilit niya akong hinihila paalis doon ngunit gusto ko parin sumilip. Nakita ko na lang siya sa gilid ng mata ko na napakamot sa batok dahil talagang nagpumilit ako.
Agad kong natakpan ang bibig ko at pinigilan ang paglabas ng tawa. Nakilala ko agad ang mukha na naka print sa papel at nakasabit sa katawan ng scarecrow na ngayon ay nakahiga.
Si Principal Collins!!
May mga red stains pa sa paligid nito na parang ginawang dugo, ang hula ko'y ketchup ito.Sino namang taong gagawa nito kay Mr. Collins?
"Hindi ako natutuwang makita ang nakita ko sa room section 12-D, Sinong walang hiya amg gumawa noon dito sa paaralan? Ha? 12-D! Isa sa inyo ang suspect,"
Biglang nagtawanan ang mga estudyante kasama narin ako. Pati na rin ang mga guro na nasa tabi lang ni Mr. Collins.Para kasing may namatay kung magsalita siya!
"Kaya ang parusa ko sa buong 12-D ay lilinisin niyo ang buong paaralan hanggat hindi umaamin ang gumawa nito!" Nagsi-angalan ang isang section na ang hula ko ay ang 12-D.
"Tahimik!! Mr. Allan," lumingon si Mr. Collins sa tabi niya at tinawag ang isang guro na sa tingin ko ay si Mr. Allan nga. "Ikaw na ang bahala sa Advisory Class mo." Muli siyang bumaling samin. "Dismissed."
Tatlong oras mahigit ang nangyaring takbuhan pati na rin ang ginawang assembly ng principal kaya ngayon ay break time na.
Kumakain akong mag isa ng bigla may lumapot sa akin na babae.
"Hi! Pwedeng tumabi?" Isa siya sa mga kaklase ko. At sa tingin ko naman ay mabait siya.
"Ako nga pala si Hani!" Ngumiti siya sakin kasabay ng pag upo niya sa upuan sa harap ko kasama ang isang tray ng pagkain.
"Ah, ako si Reen." Ngumiti ako pabalik.
Sa unang tingin ay napaka simple lang nitong si Hani, maputi siya at makinis, bukod doon ay maganda ang mga mata niyang kulay Brown."May hula ka ba sa kung sinong gumawa noon?" Pabulong nasabi sakin ni Hani na nagpatigil sakin sa pagsubo ng pagkain.
"Malamang ay isa talaga sa 12-D ang gumawa noon." Pabalik kong bulong sa kaniya.
"Sapalagay ko ay hindi talaga isa sa 12-D ang gumawa nun, pero kahit sino man siya, ayos lang yung ginawa niya! Nakakatuwa nga at may naglakas loob gumawa noon eh! Buti nga sa matabang principal na yun!" Hinapas ko ang braso niya para magtigil siya.
"Hinaan mo ang boses mo!" Tumingin tingin ako sa paligid. "Tsaka pano mo naman nasabi na hindi taga 12-D ang gumawa nun?"
Lumingon lingon siya sa paligid bago pa lumapit malapit sa tenga ko para bumulong.
"Sa 12-C madalas nahuhuli ang mga gumagawa ng pranks, at halos lahat ng 12-D ay late kung pumasok dahil nga lower section sila... At kanina... May nakita akong kahinahinalang estudyante...."
Naintriga ako sa lahat ng sinabi niya at mas lalo ko pang ginustong alamin ang kung ano sa school na ito.
"Ano bang meron sa school na 'to?"
Sumubo siya ng fries bago pa siya ulit mag salita.
"Magandang talaga ang school na 'to.." Pinagpag niya ang mga kamay niya at tumayo.
"Maganda?"
Tumayo na rin ako at hinawakan na ang tray na puno pa rin ng pagkain."Naging maganda na rin tong school para samin dahil sa kasiyahang dulot ng mga pranks na ginagawa ng mga estudyante sa iba't ibang salbaheng guro at kay Mr. Collins. Kung alam mo lang..."
Tinignan ko na lang ang unti unting pag alis niya.
BINABASA MO ANG
Epic High
Teen FictionGusto niyo bang malaman kung gaano kahirap maging isang estudyante? Maging isang Guro? Naranasan niyo na bang ibully at hindi mo kayang lumaban? Naranasan mo na bang matakot sa iba't ibang banta ng kung sino sa paaralan? Kase dito.. Mararanasan at...