Epic 3

1 0 0
                                    

(Editing**)
Mr. Collins

Matapos ang Break time ay pinatawag kaming mga transferee sa Principal's office. Hindi ko alam kung anong sasabihin niya't pinatawag pa kami sa gitna ng klase.

Halos lahat ng transferees ay mga babae, isa lang ang nakita kong lalaki. Bale mga labing isa kami.
Nang makaupo na ang lahat ay agad naman nang nag simula si Mr. Collins.

"Alam kong nakita ninyo ang pangyayari kani- kanina lamang, lubos akong humihingi ng pasensya sa inasal ng kapwa estudyante ninyo..." Tumingin muna siya sa lalaking naka black suit sa bandang kaliwa niya at tumango. Ang lalaking naka black suit naman ay nag lapag ng tig iisang sobre sa bawat harap naming lahat.

Kinuha ko ito at tinignan ang laman.
"Isipin niyo na lang iyang pera as a free allowance galing mismo dito sa school... Naghahalaga 'yan ng 6,000 pesos, makakatulong 'yan sa financial ninyo." Ngumiti ang matamdang principal.

Sa oras pa lang na iniliapag niya ang sobre na nag lalaman ng pera ay alam ko na ang pahiwatig niya. Gusto niyang tumahimik kami at wag ipag sabi ang kalokohang nangyari at mangyayari dito sa school. Siguro ay sanay na ang matandang ito na makipag negotiate sa mga estudyante?..

Tumayo ang isang babae na may maikling buhok, naka bukas ang butones ng kaniyang uniform at suot ang isang yellow stripes tshirt sa loob. Mukha siyang siga kung tignan.

"Thanks but no thanks..." Pa dabog niyang binagsak ang sobre at lumabas ang mga laman noon. "Hindi ko kailangan ng pera para isara ang bibig ko. Dahil una sa lahat ay may pera ako." Umirap siya at nagmartsa na palabas.

Nag dadalawang isip ako kung tatanggapin ko ba ang pera o hindi. Pride ko at pangangailangan ko ang nakasalalay dito.
Isa ulit babae ang tumayo at umalis, iniwan niya sa lamesa ang sobre na naglalaman ng pera.

Tumingin ako kay Mr. Collins na ngayon ay mayroon ng umiigting na panga sa galit.

Ang apat na babae naman ay tumayo na dala ang sobre at ngumiti kay Mr. Collins.

"Makakaasa kayo Mr. Collins..." Mga plastik na ngiti...

Apat na lang kaming natitira... Ang nagiisang lalaki naman ay prenteng nakasandal lamang sa sofa at di man lang ginalaw ang sobre.

"Alis na po ako Mr. Collins..." Tumayo ang isang babae at sumunod rin ang isa pang babae. Hindi nila kinuha ang sobre.

Dalawa na lang kaming natitira, at hindi ko to gusto..

Tumayo ang natitirang estudyante.

"I have to go, the class are still on going, Sir." The only guy left leaving the money.

"So... Ms. Kim.. Please accept the money, hindi naman iyan big deal di ba? Gusto ko lang ng katahimikan, at sa inyong mga transferee iyon magumula.. Kaya tanggapin mo na.."

Naiyukom ko ang kamao ko kasabay ng pagkalukot ng sobre sa kamay ko.

Lutang akong lumabas sa principal's office. Maaaring kailangan ko nga ng pera at desperada na ako, pero hindi ko talaga iyon matatanggap. May pride akong iniingatan at kaya ko pa naman tustusan ang mga kailangan ko sa araw araw.

Tug!

Isang lumilipad na notebook ang tumama sa noo ko. At sobrang sakit nito!!
Agad akong napatingin sa kulto ng lalaking parating.

"Sorry Ms... Okay ka lang ba?" Hinawakan niya ako sa braso para itayo. Hawak ko pa rin ang noo ko na panigurado'y namumula pa rin.

"O-Okay lang..." Kinuskos ko ang noo ko para mawala ang pamumula. Nakita ko na nang maayos ang mukha ng lalaking naghagis ng notebook.

Epic High Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon