CHAPTER 8

9K 189 2
                                    

CHAPTER 8

Marie's POV

Daddy, punta tayo kina Lola? ungot na naman ni Angel kay Jacob pagkalabas ng Papa niya.

May work pa si Daddy, baby. Bukas na lang, pupunta din naman tayo dun. Sabi ko bago pa makasagot si Jacob kaya yumuko ito.

Bakit naman bigla-bigla gusto mong pumunta dun, sweetheart? tanong ni Jacob at iniangat ang mukha ni Angel.

Eh kasi po dumating si Tita Kyla, may pasalubong daw po siya sa akin. Sagot nito pero mahina ang boses.

Pano mo nalaman na dumating si Tita Kyla mo? - me

Tumawag po siya kanina Mommy, nung naliligo ka po. Please  Mommy, punta na tayo. Pakiusap nito at maiyak-iyak na.

Sige na babe, dumaan na kayo dun tapos dadaan ko na lang kayo mamaya. Magtaxi kayo ah. Parang walang sigla na sabi ni Jacob, tapos hinalikan ako sa noo. Pag talaga si Angel hindi niya hinihindian.

**

Pagdating namin sa bahay nila Jacob, tuwang-tuwa si Angel sa pasulubong ni Kyla, tablet. Wala kasi sa priority namin ang mga gadgets na yan eh, at alam ko naman na naiitindihan ni Angel yun. Kaya ayon sobrang excited, lalo na may mga games na naka-install na rin.

Wala ang Mama ni Jacob, umalis daw para mag-grocery kaya nag-decide na lang akong iwan si Angel kay Kyla.

Baby, mauna na akong umuwi ah may gagawin ako sa bahay, sama ka na lang kay Daddy mamaya. Wag kang pasaway kay Tita Kyla ah. Bilin ko.

Opo, Mommy. Pero nakasimangot.

Kyla ikaw ng bahala dyan sa makulit na yan. Pakisabi na lang sa kuya mo na nauna na ko.

Mommy, di nga po ako makulit eh! Nagkitbit balikat na lang si Kyla at nangiti.

Oo na sige na, di ka na makulit. Ba-bye na. Nagkiss pa ito bago ako umalis.

I love you, baby. at kiniss ko din siya.

I love you too po, Mommy! Ba-bye po!

 

**

 

Hindi ko namalayan nakatulog pala ako, pagtingin ko sa orasan 7:00 pm na. Pero bakit parang ang tahimik pa, dapat andito na yung dalawa.

Paglabas ko ng kwarto, nakahain na sa mesa. Si Jacob nasa sofa parang nakatulog na yata kahit bukas ang TV. Paglapit ko sa kanya, tulog nga. Hindi ko sana gigisingin kaso alam kong di pa siya kumakain kasi dalawa pa yung plato sa mesa at wala naman si Angel sa higaan niya. Pinagmasdan ko pa siya ulit bago ko ginising.

Hon, gising na! tinapik ko ng mahina sa pisngi pero hindi siya nagmulat ng mata.

Umupo ako sa tabi niya at di pa rin nagising. Nakaharap siya sa side ng inupuan ko kaya hatukso akong halikan sa lips hehe. Sandali lang sana ang gagawin kong paghalik pero hindi na natuloy kasi hinawakan niya kaagad ang mukha ko at hinalikan niya ko ng mariin. Pagkatapos ay nangiti siya.

Ikaw ha, kunyari ka pang tulog ah. Bakit di mo kasama si Angel? Saka bakit di mo ako ginising? Ang laki ng ngiti ng lalaking ito.

Ay naku, yung anak mo ayaw paawat sa kakalaro sa tablet kaya sabi ni Kyla doon na lang patulugin kasi pupunta rin lang naman daw tayo bukas.

Second Love to LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon