CHAPTER 10

8.7K 190 1
                                    

CHAPTER 10

 

 

Marie's POV

Lola, Lolo! tawag niya sa parents ni Jacob. Nasa garden kasi sila ng dumating kami. Kahit kasi di pa nahihinto ni Jacob yun kotse kita niya na ang mga ito.

Kumandong agad siya kay Papa. Lolo, magaling ka na po? malambing na tanong ni Angel at hinalikan pa niya ito sa pisngi. Siguro kung buhay ang Mama at Papa ko, ganito rin siya sa parents ko.

Oo naman Apo. Sagot ni Papa habang ninahaplos ang buhok ni Angel.

Lolo, dahil po ba nung kumain tayo sa office ni Daddy kaya ka po nagkasakit? Tanong niya ulit kay Papa.

Hindi Apo. Bakit mo naman naisip yon?

Eh kasi di po ba sabi bawal sa 'yo yung adobo. Lolo, baka magalit po si Lola. Binulong niya pa pero naririnig namin, di lang namin pinahahalata.

Wag mong isipin yun Apo. Iba ang dahilan kaya may sakit si Lolo. Wag ka na mag-alala may gamot na ako. Pag-alo nito kay Angel kasi naiiyak na.

Lolo, paglaki ko gagamutin ko po kayo. Pati si Lola. Magdo-doctor po ako. Malambing na sabi nito at akala mo siguradong-sigurado sa sinasabi niya.

Naku Apo, matagal pa yun.  Sabi naman ng Mama ni Jacob.

 

Hindi po La, malapit na po ako pumasok sa school. Di ba po Mommy? Gagalingan ko po para matapos ako agad.

Wala naman akong nagawa kundi tumango na lang. Ayaw ko namang ma-disappoint ang baby ko.  Si Jacob nangiti lang.

Ma, Pa, pasensiya na po kay Angel.  Masaya lang po talaga yan sa attention na binibigay nyo sa kanya. Lagi po yan excited na makasama kayo. Wala na po kasi ang parents ko. Paliwanag ko sa kanila.

I always become sad with the taught that my parents left me alone. Kung may problema, ako lang mag-isa. I don't keep friends too close.

Pero masaya naman kami ni Angel, kahit dalawa lang kami. kaso iba ang saya niya ngayon. Yun nga lang medyo nai-spoil siya. Minsan nga para akong kontrabida kasi ako lang ang sumasaway sa kanya.

Hija, mahal kayo ni Jacob at importante kayo sa kanya. Kaya ganon din kayo sa amin ng Mama mo. Si Papa naman ang nagsalita.

Salamat po. Sabi ko kasi I'm really happy the way they show affection to me and Angel.

Oh, eh bakit ang dami ninyong dalang pagkain? Tanong ni Mama kay Jacob na ngayon lang napansin ang dala namin.

Wala lang Ma, para maiba lang. Kain na tayo. Sabay yakap sa Mama niya at hinalikan sa pisngi.

May kalokohan ka bang ginawa, ha Jacob? Akusa ni Mama na pinanlalakihan niya pa ng mata ito.

Sobra naman Ma, porke nilalambing ka lang may ginawa agad ako. Pwede namang na-miss lang kita ah. Then he kissed her mother's cheek again.

Naninigurado lang. Natatawang sabi ng Mama niya.

Agad namang hinila ni Mama ang kamay ko papunta sa kusina at pinagtulungan naming ihanda yung pagkain na dala namin.

Ay Ma, anniversary niyo na ni Papa next week ah. Maghahanda ba kayo? Tanong ni Jacob habang kumakain kami.

Oo. Pero dito na lang sa bahay. Eh kasi yang Papa mo di pwedeng magbiyahe kung aalis pa kami. Sinabihan ko na ang mga pinsan mo saka mga Tita at Tito mo, sana nga lang makarating sila.

Second Love to LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon