-\3/-

20 1 1
                                    

A/N:

Hey pipol! ang tagal ng UD ko no? Sorry ah! Tinatamad ako eh! Chos! Sige na! Eto na ung UD.

Enjoy!

~MsPink★

©06-23-14

★★★   ★★★   ★★★   ★★★

★★★   ★★★   ★★★   ★★★

SeungNim's POV:

      Kahit kailan talaga nakakainis yung babaeng yun! Pumasok ako ng café na nakasimangot. Ay ewan!

Pumunta ako ng cashier at umorder ng Mocha blah blah drink. Lumabas ako ng café ng may natapakan ako.

Isang panyong pula.

Yumuko ako at pinulot yung panyo. Syempre tumuwad ako. Alangan namang pahabain ko yung kamay ko.

"MJ?" inisip ko yung pangalang Mj na nakasulat sa panyo. Inilagay ko yung panyo sa bulsa ko.

Naglakad ako papuntang field habang iniisip kung sino ang nagmamayari ng pangalang Mj.

Mj. Mj. Mj. Mj. Mj. Mj.

Nang makarating ako sa may gilid ng field, umupo ako sa bench na nasa ilalim ng puno.

Mj. Mj. Mj. Mj. Mj. Mj. Mj. M...

Napatingin ako sa puno sa gitna ng field sa hindi kalayuan. O! Si Leonard yung nakaupo dun! Tumayo ako para puntahan sana si sya pero may naunang babae na may dalang paper bag ang nauna sakin.

"Mj!" rinig kong sabi ni Leonard. Teka, Mj?

Diba sya yung pinakilala nya sakin kanina?

Eh si Mj yung walanghiyang babae na nagpahiya sakin, at yung bestfriend ng kapatid ng bestfriend ko. Oy intindihin mo yan ah!

Teka nga. Napulot ko yung panyo sa harap ng café kung saan kami nagkakilala. So ang ibig sabihin non ay…

Pu****ama!!!!!!!!!!!!!

Lintik na!!!!!!!!!!!

Anong gagawin ko sa panyo? itatapon ko ba o itatago ko para ibalik sakanya? Hindi dapat ko ITAPON. :D Pero ang sama ko naman tingnan non. Itatago ko nalang. Baka sakaling may pagkakataon akong ibalik sa kanya.

At saka ako umuwi.

Mj's POV:

   Uniwan ko sandali si Leo para bumili ng merienda namin sa favourite place namin. Hindi na sya sumama. Tinamad ang bakla. Chos lang. Jusko pag nalaman nyang tinatawag ko syang bakla baka bugbugin ako non.

Pagbalik ko…

"Mj!" sigaw sakin ni Leo habang kumakaway-kaway pa. Lumapit ako at umupo.

"Ayan na! Uy tol salamat ah. Namiss ko 'to!" sabi nya. Binilhan ko kasi sya ng cheese buger.

Hindi nalang ako umimik at kinain yung malahigante kong burger.

Kinagat ko ito at nagiwan ito matsa sa aking bibig.

Ibinaba ko sa hita ko yung burger at kinapa ang bulsa ko para sa panyo ko, pero wala ako nakapa.

"Sh*t." sabi ko.

"Hoy Mj kung makapagmura ka naman. Bakit ba?"

"Yung panyo ko? Asan yung panyo ko?"

"Sus. Tol panyo lang yon. Marami ka pang panyo sa bahay mo. Okay lang yun."

"Hindi. Hindi ok yun tol. Galing sa lola ko yun. Sya yung nagtahi nun. ASAN NA YUN!" sigaw ko pero hindi masyadong malakas. Kaya naman napatayo si Leo.

Tumayo ako at naghanap. Importante sakin yun. Yun yung huling regalo sakin ni lola bago sya nawala. Sobrang close kami ng lola ko hindi pwedeng mawala yung panyong yun. At alam ni Leo yun.

"Eh tol baka naman naiwan natin sa café o sa pinagbilhan mo ng merienda natin." iniwan ko si Leo at tumakbo.

Pumunta ako sa sa pinagbilhan ko ng merienda namin. Naghanap ako ng naghanap. Pero wala.

Pumunta ako sa café at naghanap. Mukha ako napapraning habang naghahanap.

Hindi ko sila pinansin. Nang nawalan ako ng pagasa, malungkot akong naglakad pabalik ng field.

"O tol! Ano na? Nahanap mo na ba?" tanong nya.

At tuluyan ng tumulo ang luha ko habang umiiling iling.

Hindi ko mapigilan ang sarili ko.

"Hindi pwedeng mawala yon! Hindi pwede!" sigaw ko.

Ng may biglang nagsalita.

"Eto ba ang hinahanap mo?"

★★★   ★★★   ★★★   ★★★  

★★★   ★★★   ★★★   ★★★

A/N:

Yay! Tapos na yung UD! Kung naiiksian ka, sorry ah!

Thank you!

~MsPink★

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 13, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

LOVE ♥ CAFÉTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon