FIRST BEAT

147 32 88
                                    

  MUSIC

"Hoy, Music! May assignments ka na?" tanong ng babaeng tumabi sa akin. Ngumiwi ako at binigay sa kaniya ang papel ko. Alam ko naman na 'yon ang gusto niya.

"Yown! Ang bait mo talaga, prend!" ngiting ngiti pa siya habang sinasabi yan. 'Di ko na lang pinansin at tinuloy na lang ang pag-strum ng gitara ko. Well, guitar is my favorite instrument.

"Kailan pala sunod na gig niyo?" Tanong niya habang kinokopya ang sagot ko. Nagkibit balikat lang ako pero hindi niya iyon nakita. Tumingin siya sa akin.

"Hoy!"

Kumunot ang noo ko. "Hindi ko nga alam. 'Di naman sinabi sa'kin nina Josh"

Biglang nagningning ang mata niya. Ngumiwi ulit ako dahil patay na patay talaga ito kay Josh Aliga, isa sa kabanda ko.

"Tss. Bakla 'yon, uy!" sabi ko

"Wag ka! Hmp! Ang gwapo ng baby Josh ko. Kailan kaya niya ako liligawan?" nakatingin sa itaas na sabi niya.

"Tigilan mo nga yan. Kumopya ka na lang. Para kang tanga." sabi ko at ibinalik ang atensyon sa gitara.

"Panira ka talaga! Porke't lahat nagkakagusto sa'yo eh. Hmphl."

Nginiwian ko lang siya ulit. Pake ko naman sa mga nagkakagusto DAW sa akin. Tss.

Biglang may kumatok sa pinto ng room namin at sinundan ng isang pamilyar na boses.

"May I excuse her?"

Tumingin ako sa pinto at nakita ko si Cleff na naka-poker face. Isa sa kabanda ko, ngumiwi ako nang nakatingin siya ng diretso sa aking mata. Umiwas agad ako ng tingin at kinuha ang bag ko. Inabot ko kay Mela ang isang notebook ko at yung dalawang assignment pa.

"I-pass mo iyan lahat. Pasabi may practice kami." sabi ko at dumiretso na sa pinto. Sabay kaming naglakad ni Cleff.

Tumitingin ang mga istudyante sa amin kaya kumunot ang noo ko. Minsan talaga nakakailang ang tingin ng mga tao dito. Parang laging may iniisip na kung ano. Hays.

"Nasan pala si Josh?" tanong ko

"Studio."

Tumango lang ako sa sagot niya. Almost 6 years na kaming magkabanda, pero hindi talaga kami masyadong close. I don't know why. Siguro kasi tahimik siya at tahimik din ako. Di katulad ng mga kasama namin na maiingay at maloloko kaya nakakausap ko.

"Why are you looking for him?" kunot noong tanong niya.

"'Di kasi siya ang sumundo sa akin." sagot ko ng di nakatingin sa kanya.

"You want him?"

Napatingin ako sa kaniya dahil sobrang lamig ng pagkakatanong niya. Umiling lang ako at tumahimik na agad. Bakit ba parang ang layo ng studio ngayon? Hays.

"Ano pala yung unang tutugtugin natin?" tanong ko

"Way back into Love" seyosong sabi niya. Bigla akong natigilan dahil sa kaseryosohan niya.

"Alright."

Laking pasalamat ko ng makarating kami sa studio. Nandun na si Josh, Falcon at Melo.

"Oyy. Pasensya na, 'di ako sumundo sayo. Sabi kasi ni C-- arraayy! Punyemas ka, Melodyo!" daing ni Josh ng pingutin ni Melo ang tainga niya. Natawa na lang ako sa kanila.

"Let's start."

Umayos naman kami agad nang sabihin iyon ni Cleff. Si Josh ang sa drum, si Melo naman sa piano, si Falcon naman sa guitar. Kinuha din ni Cleff yung isang gitara. Kaming dalawa ni Cleff ang singer dito.

Nagstart na silang gumalaw.

"I've been living with a shadow over head.
I've been sleeping with a cloud above my bed
I've been lonely for so long.
Trapped in the past, I just can't seems to move on."

Feel na feel ko ang kanta. I don't know why, But I can feel something inside me. Parang gustong kumawala. Naramdaman ko ang pag-sakit ng ulo ko kaya pumikit ako ng mariin.

"All I wanna do is find a way back into love
I can't make it through without a way back into love ohh
I've been watching but the stars refuse to shine
I've been searching but I just don't see the signs."

Buong kanta ay nakapikit lamang ako.

"Ang bagal mo naman kasi, Muse."

Sumimangot ako sa kanya.  "C, naman kasi. Ang layo na ng nilalakad natin."

"Tsk. Stop being so reklamador, will you? "

"Eh, bakit ba ang sungit mo?!"

Inirapan niya ako. "Late na tayo sa gig natin. You're so slow, Music Jean."

"Di naman sila magsisimula ng wala tayo, eh! Ang sakit na ng paa ko. Bakit kasi nagloko ang sasakyan mo eh."

"Don't ask me. tsk. Slowpoke"

Napatili ako ng buhatin niya akong bigla. I feel like a Princess. As always.

"Hey! Okay ka lang, Music?" rinig kong tanong sa akin ng mga kasamahan ko.

I tried to open my eyes. Nakita kong nakatingin sa akin si Josh, Melo at si Falcon, lahat nag-aalala. Nasalubong ng tingin ko ang mga mata ni Cleff. I can see something in his eyes.

"MUSIC!"

I blink my eyes so many times. Then i form a smile.

"Okay lang ako."

FORGOTTEN MEMORIESWhere stories live. Discover now