Present Time #1

3 0 0
                                    

Present Time #1

“As I've said yesterday, we will have a long quiz. So get a one whole sheet of paper,”

Napakamot ako ng ulo ko hindi dahil sa wala akong papel, kundi natatakot akong ilabas ang aking papel. Baka wala pang isang minuto mauubos kaagad ito.

“Mr.Phioso, may problema ka ba?” tinaasan ako ng kilay ng aming guro. Dali-dali naman akong umiling at tinignan ko ang mga kaklase ko na lumingon kahit saan.

Tinitignan lang naman nila kung sino ang may papel para maka hingi ito. Kinuha ko ang aking bag at binuksan bago ko ipalabas ang aking papel may sumigaw na.

“Si Phioso may papel!”

Uh-oh, nag si takbuhan ang aking mga kaklase patungo saakin. Patay talaga ako neto, mayaman naman ako pero hindi ko naman basta basta gagastuhin ang pera ko. Hindi ako gaya ng iba.

“Phioso pahingi,”

“Chan diba magkaibigan tayo? isang papel naman jan”

“Uy, Phioso. Diba nang libre ako sayo kahapon? ikaw naman ang maglibre ng isang papel.”

“Chan paghindi mo ako bibigyan friendship over na tayo!”

“Phioso may utang ka pa saakin!”

"Oy, Phioso hindi ka tumulong sa last group activity natin bigyan mo nga ako!"

Dali-dali ko namang binigyan sila, yung papel ko! Orions pa naman ang brand neto.

Mga milyonaryo naman tong mga magulang tong mga kaklase ko pero ni isang papel. Wala?! mga tamad talaga sila.

Ginawa pa akong school supplies, kinuha ko naman yung ballpen ko. G-go talaga tong seatmate ko, kung hindi lang sana sya sumigaw na may papel ako.

Parang 14+ nalang tong papel ko. Bibili nalang ako mamaya, nakita ko naman yung teacher ko na para lang walang nangyari.

   *~*

“Exchage your papers to your seatmates, finish or not finish exchange.”

Nagpalitan naman kami ng papel ng kaklase ko, yung sumigaw na may papel ako. I-wrong ko kaya lahat to para makabawi ako sa kanya.

“Uy, Phioso. I-perfect mo saakin gagawin ko din yan sayo. Dali para ma perfect ako,” aba'y g-go talaga 'to.

“In your dreams, ano ka sinuswerte? sure akong perfect ako.” sabi ko sa kanya, gagawin pa akong makasasala. Nagstudy kaya ako kahapon.

“Sige na.. ito naman oh, para lang din naman to sayo!”

“I don't cheat, I'm not like you. Hindi ako anak ng demonyo para gawin 'yan, anak ako ng panginoon”

“Ito talaga! nasobrahan ang pananampalataya. Baka lagpas langit ka na,”

Hindi ko na sya pinansin, ano naman kung nasobrahan? mas okay na nga 'yun kay sa kulang.

*~*

Natapos na ang klase namin yung seatmate ko? ayon zero ang score. Isa din naman akong top student.

Habang naglalakad ako nakita ko naman ang teacher ko,“Mr.Phioso. Can you bring this books to the library?”

“Sige po ma'am, doon po din kasi ang punta ko.”

Loving You At The Wrong TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon