Chapter 1

6 1 0
                                    


Year 2008.

"Felise, nandyan na naman ang manliligaw mo?" nang-aasar na tumawa si Helena. Nag-iisa kong kaibigan dito sa aming probinsya. Mahirap makahanap ng totoong kaibigan dito sa amin dahil puno ng plastic at insecure.

"Sagutin mo na kasi yan. Tatlong taon na rin yang nanliligaw sayo ah."

Sawang-sawa na ako sa usapang ito. Inirapan ko na lang siya dahil alam na niya ang sagot ko para sa tanong na yan.

"Kung sana ako ang kanyang gusto, matagal ko nang isinuko ang aking Bataan. Napakagwapo talaga ni Samuel no?" Nangingiti niyang sabi.
"Aanhin mo ang gwapo kung wala namang pera Helena."
"Ay naku! Magsisisi ka talaga pag yan pinakawalan mo pa. Di bale na mahirap basta masipag at matiyaga oy. Tsaka aanhin mo yung may pera pero ansakit naman sa mata?"

Sakto namang dumaan sa aming harap si Samuel. Diko maipagkakailang gwapo talaga ang isang to . Parang may lahing banyaga. Kakaiba ang kanyang mata na siyang dahilan nang pagkakagusto ng mga babae sa kanya maliban sa akin. He has sexy lips. Matangos ang ilong at moreno. His body is salivating na parang nagjigym palagi pero bunga lamang ito ng pagtatrabaho sa bukirin.

"Magandang araw sa iyo, Felise." bati niya agad with matching smile with his perfect teeth showing off.
"Kung sana di tayo naghihirap edi sana araw-araw maganda."
masungit kong sagot sa kanya.

Napangiwi siya sa sagot ko. Di ko maintindihan kung bakit ako pa rin yung gusto niya. I never been good to him. Sa katunayan nga lagi ko siyang sinusungitan and turned him down. Hindi ako yung katurn-on turn-on na babae okay! Maganda lang ako.

I feel sorry for him. I knew from the start na walang patutunguhan ang panliligaw niya dahil wala sa kanya ang isang katangiang hinahanap ko sa lalaki. Hindi siya mayaman. Oo, nakakainis man pakinggan but I'm just being practical here. Let's be real. Sawa na akong maging mahirap. At kung siya lang din naman ang mapapangasawa ko, di ko alam kung anong ipapakain namin sa aming mga anak.

"Ah, pwede ba kitang maimbitahan para mamayang gabi? May selebrasyon mamaya para sa pagkapanalo namin sa basketball tournament." malumanay niyang sabi. He really got a sweet voice.

"Ay naku, Samuel! Marami kming gagawin ni tatay mamaya. Saying lang yan sa oras." and here I am, the wicked wench.

"Madali lang naman tayo doon. Pangako di tayo magtatagal. Ihahatid kita agad matapos ang isang kanta."

"Sige na bespreeen. Minsan lng yan aawit si Samuel." giit din ni Helena. Sarap pag-untugin eh.
"Basta ayaw ko." pinal Kong tugon bago tumungo sa kusina.

"Wag kang mag-aalala Samuel. Pipilitin ko siya."

Di ko talaga alam kung bakit umiinit ang ulo ko sa kanya.
Mabait siya. Sa totoo lang, di yata marunong magalit yun eh. Natanaw ko si Helena na papalapit sa akin.

"Ano ka ba Felise! Napakabait ni Samuel. Bakit sinusungitan mo?"
"Di ko rin alam okey?"
"Paanong di mo alam?!" naiinis na siya nyan.
"Di ko siya gusto!"
"Bakit nga?!!"
"Kasi mahirap siya, Helena!"

There. I said it. Lingid sa kaalaman namin, nasa baba pa rin pala si Samuel at narinig lahat ng pag-uusap namin.
-
Kinagabihan, pinuntahan ulit ako ni Helena sa bahay. Mag-iisang oras na niya ako pinilit sumama kaya napilit niya rin ako sa huli. Dramahan ba ako nang 'what are friends are for.' Gaga.

Isang puting dress ang suot ko papunta doon. Lalo lang iyong nagpatingkad sa maputi kong balat.

Sa edad na katorse, unti-unti nang nahuhubog ang aking katawan. It was matured enough that everyone will think I'm already 18. Matangkad din kasi ako. Malapit lang naman ang basketball court sa amin kaya naririnig na namin ang ingay galing doon. Excited na excited si Helena dahil makikita niya na naman si Anton na matagal na niyang crush.

Nang makarating na kami sa gate, may napapatingin sa amin. Mapababae o lalaki man. Kitang-kita ko ang hanga sa mata ng mga lalaki at inggit at irap naman sa mga Babae. Nagtawanan na lang kami ni Helena.

Maraming nagsasayaw sa gitna ng hall. Masaya ang lahat sa pagkapanalo nila Samuel na ginanap sa manila. Magaling sila lalong-lalo na siya. He was the MVP thou. Naupo lang kami ni Helena sa tabi matapos kumuha ng pagkain. Pagkain lang pinunta ko dito.

Maya-maya may isinisigaw ang mga tao. Humihiyaw ang mga kababaihan. At alam ko na kung bakit nang tumuntong na si Samuel sa entablado. He smiled shyly. Lalo lang nagtilian ang mga babae. Tsk.

Then he sang beautifully...

"Ooh. Ooooh... Ooooh.
Kung ako ang may-ari ng Mundo
Ibibigay ko lahat ng gusto mo
Araw-araw pasisikatin ang area
Buwan-buwan pabibilugin ang buwan
Para sayoooo.... Para sayoo

Susungkitin mga bituin
Para lang makahiling
Na sanay maging akin
Puso mo't damdamin
Kung pwede lang
Kung kaya lang
Kung akin ang mundo
Ang lahat ng itoy
Iaalay ko sayooo.... "

Binuksan niya ang kanyang mata at direktang nakatingin sa akin.
Nagsusumamo at nakikiusap. I'm sorry Samuel. I feel nothing for you. 

Maybe Not This TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon