Buo at ang sarap pakinggan ng kanyang boses. Everyone would fall for him. Natapos ang kanta nang nakatingin lang siya sa akin. Bumaba na siya at nagpatuloy naman ang tugtog para sa mga sumasayaw.
"Tara na Helena."
Kinakabahan ako nang papalapit sa amin si Samuel. Unang nakalapit sa amin si Anton at inaya si Helena sumayaw. Di naman ito magdalawamg-isip at agad na sumama kay Anton. Iniwan akong mag-isa at papalapit na si Samuel. Lalong bumibilis ang tibok ng aking puso at ang lamig ng aking kamay. Anong nangyayari sa akin?
For the first time humanga ako sa taglay na kagwapuhan niya. Tall, dark and handsome. Hindi nababagay sa probinsyang ito. His aura shouts power. He looks good in his black v-neck shirt and maong. Nakatsinelas lamang ito ngunit ang gwapo pa rin ito. What in the world has gone into, felise?! Bakit mo na siya pinupuri ngayon?
"Magandang gabi. Akala ko di ka na dadating. Masayang-masaya ako na nandito ka."
Bumalik ako sa wastong pag-iisip at agad na itinaas ang kilay.
"Hindi ikaw ang ipinunta ko rito."
Nawala agad ang kanyang ngiti at nakita ko ang sakit na dumaan sa kanyang mata. Parang kinirot ang puso ko sa nakita. You shouldn't feel a thing, Felise! Paalala ko sa aking sarili. Bumalik ang kanyang ngiti agad pero alam kong peke lang yun. Hindi ito umabot sa kanyang mata. Para bang pagod na siya sa akin. I should be happy right? This is what I want. Di na rin siya maghahabol sa akin. We don't have a future so better end this now.
"Pwede ba kitang isayaw?"
"Aya--" aangal sana ako pero pinigilan niya bago pa ako matapos.
"Huli na to. Pangako. Di na kita aabalahin pa."I was shock. And hurt. Why? Dapat masaya ako. Pinagbigyan ko siya sa huling pagkakataon. He holds my hands gently. He puts his arms on my waist. Nagsimula na kaming sumayaw. Tiningnan ko siya at nakatingin din pala siya sa akin. His eyes full of pain because of me. Di ko kaya ang titig niya kaya umiwas ako. I can still feel his deep stares.
"Look at me please. Gusto Kong sagutin mo ako na nakatingin sa mata."
It takes a minute before I look at him. Pinilit kong titigan siya.
"Wala ba talaga akong pag-asa?" Tanong niya na puno ng sakit. We should end this right now. Mga bata pa kami. Di paman kami nagsisimula, tatapusin ko na ngayon.
"W-wala." Damn it! Why do I have to stutter ? Bakit labag yun sa loob ko?
"Wala ka bang nararamdaman para sa akin? Kahit konti lang?"
"Wala Samuel."
"Bakit, felise? Anong kulang sa akin? Anong ayaw mo sa akin? Gagawin ko ang lahat sabihin mo lang." Namumuo ang kanuang luha habang pinapakiusapan ako. Ang sakit pala."Ayaw ko sayo dahil... di ka mayaman, Samuel."
"Kapag ba mayaman na ako, mamahalin mo na ako?"
Di ako sumagot sa tanong nya. Kahit Hindi na Samuel...
"Do you really want me gone?"
Natakot ako as tanong niya. Gusto ko ba talaga?
"Yes." Wooooooow ang tapang ko ah! Wench.
Tulak ng bibig, kabig ng dibdib.