Lyan's POV:
"Annyeong beshy!"
Ngiti kong bati kay beshy Zyna nung makita ko sya,its sunday today at walang pasok ang shop ngayon, binigay sakin ni Manager yung susi ng shop at uumpisahan ko nang ayusin yung shop dahil nga sa dadating yung "bagong may-ari" ng milk tea shop,nakakahiya pa naman dun kung hindi maayos yung loob ng shop! Baka tanggalan nya kami ng trabaho at ayokong mangyari yun dahil yun lang ang pinapasukan ko! Almost 2 years na rin akong nagtatrabaho sa shop ano! Kaya eto pinuntahan ko si Zyna sa kanila dahil magpapasama ako sa kanya na bumili ng materials at para tulungan nya ako sa pagaayos ng shop,ayaw kasi ng ibang katrabaho ko na tumulong dahil wala naman daw silang alam sa pag aayos eh.
"Ang aga mo naman yata beshy ha?sabi ko 12 pa ng tanghali eh, pumunta ka naman ng 11:30?"-Zyna
"Mabuti nang maaga no? Kesa naman sa late,tsaka kailangan matapos ko na yung pagdedecorate sa shop at tutulungan mo ako diba beshyyyyy?"
"Oo naman basta ililibre mo ako ng ice cream tsaka ng.."-Zyna
"Oo ng streetfoods! Tamang-tama kakakuha ko lang ng sinahod ko kaya ililibre kita!"
"Yipeeee! Ililibre ako ni beshy! Tara! sakay na tayo sa scooter mo!"-Zyna
Wow ha?mas nauna pa sya saking sumakay sa scooter ko. =_______=
"Beshy,ako na munang magdadrive!"-Zyna
"Heh! Tumahimik ka nga dyan! Baka mamatay tayo ng maaga kapag ikaw ang nagdrive!"
"Ehhhhh. Beshy naman ! Parang ngayon lang ulit ako gagamit ng scooter mo ehhh. Ang damot moooo!"-Zyna
"Heh. Shut up ka na dyan ! Magdadrive na ko!"
Sumakay na ako ng scooter at nagdrive papuntang mall,gusto ko sanang pagbigyan si beshy sa gusto nya eh kaso ayoko pang mamatay! Parang nakikipagkarerahan sya kapag sya yung nagdadrive eh!
Franz' POV
"Welcome back my son!"-Dad
Niyakap ako ni Dad at Mom nung makapasok ako sa bahay,its been 3 years at ngayon ko ulit nakita ang bahay namin. Malaki na ang pinagbago,yung pintura.😂😒.
"Mom stop kissing me,i'm not a child anymore"
"But your'e still our son,our handsome son! Halika nga dito at ihahug ka ni Mommy"-Mom
Yayakapin sana ako ulit ni Mom pero lumayo ako,hanggang ngayon she's treating me as a child! I'm 21 years old now,pero tinuturing nila akong bata. May mga little sisters naman ako,pwede naman sila yung itreat na bata ni Mom. -__-
"Are you ready for tomorrow Franz? Because tomorrow you are the new owner of Milk Tea Shop"
"Ready na ako Dad,last week pa"
Hayys. Ano nga bang mangyayari sakin tomorrow? At ako na ang bagong may-ari ng shop ni Dad. Pwede naman kasing sina Leena at Nicole(My little sisters) nalang ang maging bagong may-ari ng shop,pero gusto ni Dad na ako ang magpatakbo nun. Namiss ko nang sobra ang Pilipinas,my friends, my family. Tatlong taon na rin pala ang nakalilipas nung umalis ako dito sa Pilipinas dahil sa problema. Nakita kong nagriring ang cellphone ko.Somebody's calling. Si Luke. My bestfriend.
*answer call*
"Hey Luke?"
"Hey dude! What's up kamusta ka na! Balita ko nakauwi ka na daw! Kailan pa?"-Luke
"I'm okay, kanina lang ako nakauwi"
"Buti nalang at nakauwi ka na bro! Tatlong taon din na wala ka rito eh! Namiss kita bro!"Luke
"Ang bading mo Luke,wala bang welcome party para sakin?"
"Of course meron! Punta ka dito sa bar,sa favorite bar natin! Mga 7:00 punta ka ha? Marami pa naman akong in-invite!"-Luke
"Okay okay,7:00 sharp,iend ko nato,ge bye"
*end call*
Welcome party for me huh? Mukhang mageenjoy ako ngayong gabi nito,makakainom na naman ako.
Lyan's POV:
"Hinay-hinay naman sa pagkain ng kwek-kwek beshy,baka mabulunan ka"
Grabe si beshy! Nakaka 10 cup na sya ng kwek kwek ah! Mauubos yung pera ko sa kakakain nya ng streetfoods eh! Ako nga naka 8 cup lang! Hohoho. ^0^. Nasa loob na kami ng shop,pinatong ko muna yung mga pinamili naming materials,
"Beshy,ano bang gagawin natin sa shop na to ah? Bakit ako lang yung tutulong sayo? Nasaan yung mga katrabaho mo?"-Zyna
"Kailangan nating ayusin tong shop kasi nga dadating na bukas dito yung bagong may-ari nito. Then kasi ako lang yung inaasahan ng Manager namin sa ganitong bagay tapos beshy kasi kita kaya gusto kong tulungan mo ako hihi"
"Kapal mo rin ano?tsk"
Bigla nyang hinagis sakin yung cup nung kinain nyang kwek-kwek! Buti nalang at nakaiwas ako! May suka at sauce pa naman yung nandoon! Pinagsasama kasi namin yung suka at sauce kapag bumibili kami ng streetfoods,try nyo minsan. ^_____^
"Tara! Magsimula na nga tayo!"
Zyna's POV
Dahil nga sa magbestfriend kami ni Lyan,My beshywap. I decide na tulungan ko nalang sya sa pag-aayos nitong shop dahil nga sa dadating na raw "kuno" yung bagong may-ari ng shop na pinagtatrabauhan nya. Wala palang kwenta yung ibang katrabaho ni beshy eh! Hindi sya tinutulungan! Dapat sa mga yun sinisesante eh! Linis dito,linis doon. Kuskos ng pader,ng bowl,ng kisame at kung ano-ano pa! Actually napapagod na ako eh! Pero hindi ko yun sinabi kay beshy,baka pauwiin nya na ako eh at ayoko pang umuwi! After 4 hours,wooo! Natapos rin kami! Time check! 6:17 p.m na pala. Lumabas na kami ni beshy ng shop at kinandado nya na yung shop.
"Beshy sabay tayo bukaa ah"
(A/N:Sinadya ko talagang iwrong spelling yung bukaa means bukas! Mwehehe yan yung tawag namin ng besftriend ko sa bukas eh! Skl hohoho)
"Oo na paulit-ulit ka"-Lyan
"Anong paulit-ulit? Eh ngayon ko nga lang sinabi! Abnormal ka"
"Hehe.sensya naman tara uwi na tayo?"-Lyan
Sumakay na kami ng scooter nya at nagdrive na si Beshy. Naramdaman kong nagvibrate yung cellphone ko. Duh! Nagtext si Luke! Si Luke na laging sunod ng sunod sakin at sinasabi nyang gusto nya ako kahit alam kong trip nya lang ako! That jerk!!
From:Papansing Luke
Hi Zyna babes,gusto sana kitang i-invite eh,welcome party kasi ng kaibigan ko galing sya ng America. Pupunta ka ba? Asap.
Eeeeew!what?! Zyna babes?! Fvck! Nagreply ako. Buti nalang may load pa ako! Last text ko na to, ngayon nga lang ulit ako nagpaload after ng 3 buwan! Sayang kasi pera ano!
To:Papansing Luke
What?! Zyna babes your face Luke! Pwede ba tantanan mo na ako?! At ano?! Ako? Iniinvite mo sa welcome party na yan ng kaibigan mo?! Duh! As if naman na pupunta ako ano! Kung nandyan ka rin naman hindi na ako pupunta!
Message sent! Oo na,masungit na ko kung masungit! Eh naha highblood ako sa Luke na to eh! Anytime maloloka ako sa lalaking toooooo!
BINABASA MO ANG
Still Inlove With You
RomancePaano kung ang dating lalaking minahal mo ng sobra ay bumalik?