Chapter 3

38 2 1
                                    

It was the dirtiest kiss I have ever seen. Hindi ba sila aware na they were kissing in public place? I don't have an idea how pervert how this guy was.

Hindi ko na naririnig kung paano awayin si Georgy ng isang babae dahil kinuha ng boyfriend niya ang cellphone number ni Georgy. At hindi ko din alam kung bakit nakatuon ang pansin ko dun sa dalawang naghahalikan. Naguguluhan ako kung bakit ganito ang lakas ng dating sa akin ng lalaking yun.

"Are you still with me?" Bumalik ako sa katinuan nang magsalita ulit si Georgy.

Kakausapin ko na sana ulit siya para hindi nya makita yung eksena na kanina ko pa tinitignan. Pero huli na,  nakita kong nanlaki ang mata niya pero nag-iwas agad siya ng tingin at ngumiti sa akin.

"1st day was really a tiring day for me"  sabi niya at hindi sinasadyang maghikab. 

Bakas sa mukha niya na antok na antok na siya,  at napansin ko din ang pagbago ng mood nya. Gusto ko pa sana siyang ayain sa mall kaya nagpaalam na agad ako. Nag-usap kami na magkikita ulit kinabukasan.

Maaga pa naman kaya naisipan kong huwag na munang umuwi. Wala naman akong makakausap sa bahay at tanging mga kasambahay lang naman ang kasama ko dun.  Nasa London kasi sila  Mommy at Daddy at sa New York naman sila next month,  doing the "business thing". Para sa akin naman daw ang ginagawa nila kaya kahit na masakit para sa akin, tinanggap ko nalang ang desisyon nila. 

Nandito ako ngayon sa bookstore and I was busy searching for some Architecture books.  Gusto ko lang palawakin ang knowledge and ideas ko about sa degree ko. 

Honestly, hindi ko talaga alam kung ano bang bibilhin ko. Mahigit limang minuto siguro akong nakatayo dun at may isang libro na pumukaw ng atensyon ko.

Paghawak ko, natigilan ako dahil may kasabay ako na humawak din doon. 

Hindi ko pa din naaalis ang kamay ko, hindi ko alam kung makikipag-agawan ba ako o ibibigay ko na lang sya.  Ang ganda kasi e!

"Sorry" narinig kong sinabi ng lalaki. 

Hinarap ko siya at saglit kaming nagkatinginan.

He smiles at me when he gave me the book. 

Para akong natunaw nung nakita ko ang dimples nya. Ang perfect ng smile niya, tapos mapungay ang mga mata niya.  Parang mapapasunod ka niya sa isang titig lang. Mukha siyang Greek God!

"Alam mo you should buy this book.  Makakatulong 'to sayo. Nakabili na ako nyan" Sabi niya at inabot sa akin yung book.  Halaa, nakatitig pa din siya akin.  Nakakanerbiyos ang titig niya Promise!!

"Uhmm,  thanks"

"I'm Steve, nice to meet you Oliv" Whaaaat? Kilala niya ako?

"Paano mo nalaman ang pangalan ko" ?

"Nakita ko sa I.D. mo" . Nakatitig na naman siya sa akin pero malalim ang iniisip.  "Diba model ka sa isang magazine? Hindi kita agad nakilala.  Mas maganda ka pala sa personal"

oo nga pala,  model ako. Idea yun ng parents ko. Pero dahil college na ako, gusto ko munang huminto sa pagiging modelo.

"Yup" Hindi ko alam sasabihin ko. Na-amazed ako sa kagwapuhan niya. Hindi ako prepared. OMG

"I'll go ahead . Till we meet again" kinuha niya ang kamay ko at biglang......  hinalikan yun.  Nginitian niya ako at umalis na.

Para akong na-paralyzed.  Hanggang ngayon dinadama ko pa din yung nangyari.  Sana nga makita pa namin ang isa't isa. Kinuha ko na yung libro at binayaran sa counter. Naweweirduhan na kasi yung mga tao sa akin e.  Hindi ko napansin na kanina pa ako nakatulala. 

Stations of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon