Chapter 5

16 1 0
                                    

Hindi ako makapaniwala na nasira lang sa isang iglap yung pinaghirapan ko! Nag-sakripisyo akong gugulin ang oras ko para lang dito.

Hinarap ko ang lalaking sumira ng assignment ko.  Hindi ako papayag na makakalabas siya dito sa Coffee Shop!

"Hey you fucking stupid jerk!"

Ngunit patuloy pa din siya sa paglalakad.  Walang pakialam sa nagawa niya.

Kung bumabawi siya dahil sa nagawa ko sa kanya noong nakaraang araw , Well..  Nagkakamali siya!  Hindi niya ako malulusutan. 

Ohh wait! 

I smirked.

You messed with the wrong person Green Ranger!

✠ JOSH's POV ✠

Actually,  nung nakaraang araw ko pa siya hinahanap.  Oo siya nga!

Yung babaeng nagpahiya sa akin sa Locker.  Ang totoo niyan,  hindi naman sa akin yung green na brief na yun.  Promise!  Peksman!  Sa kaibigan ko yun.  Nakitulog kasi ako sa bahay nila. Hindi ko naalala na pasukan na namin kinabukasan. 

Pinahiram niya ako ng uniform tsaka yung ano.  Never niya pa ginamit yun kaya niya pinagamit.

Pero hindi ko inakala na ganun pala ang mangyayari.

Matagal ko na siyang nakikita sa mga magazines.  Noong una,  inaamin ko na may crush ako sa kanya.  Pero binabawi ko na! 

Mamaya pa ang klase ko kaya naisipan kong pumunta dito sa tambayan kong coffee shop!  Marami kasing chicks dito e! Hehe. 

Konti lang ang tao dito ngayon.  Naghahanap ako ng mauupuan nang mahagip ng paningin ko ang isang pamilyar na mukha. 

Ito nga yung babae sa locker.  Mas lalo siyang gumanda kaya muntik ko nang hindi makilala. 

Mukha siyang anghel.  Pero wala akong pakialam! 

Nakikita kong abala siya sa kanyang ginagawa.  Ito na siguro ang oras para....  makaganti!! 

HAHAHAHAHA! 

Nagmadali akong naglakad papunta sa kinaroroonan niya.  Sinadya kong banggain yung table niya. 

Shit.  Hindi yata umubra. 

Napailing na lang ako. Better luck next time na lang sa akin.  Naghanap na lang ako na mapupwestuhan. 

Dun na lang ako sa pinakadulo.  Hahakbang na sana ako ng biglang may humablot ng earphone ko! 

✠ GAIL's POV ✠

"WHAT?"

"Stop acting so innocent! Sinadya mo yun diba?"

"What are you talking about?" he said with an innocent gaze. 

So you're playing with me huh? 

"Nakita mo ba yan? Yan lang naman ang ginawa mo sa assignment ko!"

Tinignan niya yun at nakita ko siyang palihim na ngumisi.

Kahit na gwapo siya walang dahilan para umatras! 

"Sus!  Parang yan lang"

Parang yan lang?  Let's see! 

"Yeah right.  That's the point because you're going to change this!" I crossed my arms.

Nanlaki ang mga mata niya sa narinig.

Ngunit hindi na naman niya pinahalata ang pagkagulat.

"Look,  if you're asking me for my apology, I'll do it!   I'm really sorry. Okay? I'm leaving!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 17, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Stations of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon