Chapter 53: Every kiss

1.3K 37 9
                                    

Aesha's POV

 


"Putangina Krishan dahan dahan naman! Ayoko pang mamatay! Parang awa mo na! Wag kang mag overtake putangina mo!" Mamatay na ata ako ng maaga! Hindi pa ako graduate patay na 'ko dahil kay Krishan. Tapete! Ang bilis magpatakbo ni Krishan!

"Hayaan mo, mamamatay tayong magkasama mahal 'kong Andy. ^^" Putangina kinilig ako bigla. Medyo hindi narin ako naiilang pa sa kanya kasi parang bumabalik na 'yung masayahin at masiglang si Krishan na nakilala 'ko. Shet. Dahil sa katangahan at kamanyakan nya 'ko na inlove eh. Totoo nga 'yung sinasabi nilang kapag natutunan mong mahalin ang isang tao mawawala na 'yung mga standards mo sa isang tao. Shet. Bumabaduy ako dahil sa pag-ibig eh.


"Gago ka Krishan."

"Nag improve ka ah. Hindi mo na talaga ako tinatawag na manyak. Nakakapanibago. Nakakakilig at the same time. Parang hinihila 'yung bituka 'ko palabas kapag binabanggit mo 'yung pangalan 'ko eh. Mas lalo tuloy kitang gustong... Ay nako Andy! Kaya 'ko pang pigilan ang sarili 'ko kahit alam 'kong gustong gusto na kitang mahalikan at mayakap ng matagal." Sabi nya tapos ngumiti ng nakakaloko. Shutangina. Nakakamiss 'yung ngiti nyang ganun kahit ayun 'yung dahilan ng pagkabadtrip 'ko noon.


"Edi manyak na uli tawag 'ko sayo. =_="

"Ay?! *pouts*" Tangina nagpa-cute pa si gago.


Nakakatuwa. Sobrang nakakatuwa. Nakakawala rin ng sama ng loob at stress 'yung mga nangyayari ngayon. Sa simpleng paggagaguhan namin kanina, sa kagaguhang pinagsasabi 'ko kanina naayos ang lahat. Bumalik sa dati ang lahat. 'Yung pagsasama namin bilang sya at ako, bumalik ulit.


Pero kahit alam 'kong ok na kami, hindi parin nagbabago ang katotohanang magpapakasal na talaga ang taong mahal na mahal 'ko. 'Yung taong hindi 'ko inaasahang kababaliwan at mamahalin 'ko. Tangina ang korni? Kahit ako nako-kornihan pero wala akong magagawa, ayan ang mga nasa puso't isip 'ko eh. Sabi nga nila, kapag nainlove ka daw, matututo kang kumorni. Kagaguhan pero totoo nga.


"Mukha kang pato." Pang-aasar 'ko.

"Ok lang? Gwapo parin naman." Sabi nya saka sya ngumiti ng papoging ngiti. =_= Ang panget nya. Pero kahit napapangitan ako sa kanya, mahal 'ko parin sya. Boom panes! =_= Pokangina ang korni 'ko!


"Kapal ng pagmumukha. Krishan kilabutan ka nga! Ihhh!" Kunwari nasusuklam ako pero sa totoo lang, natutuwa ako kay Krishan. Hehe. Landi-landi!


Parang wala lang nangyaring hindi pagkakaintindihan saming dalawa nung mga nakaraang buwan ah. Parang nung kelan lang... Pero wala eh, heto kami ulit nagkukulitan, nag-aasaran at nag-gagaguhan. Pucha napapansin 'kong ang korni korni 'ko na talaga.


"Andy... Please?"

"Baket?" Tanong 'ko.8


Inihinto nya sa gilid 'yung kotse nya. Walang gaanong dumadaan ng sasakyan kaya ang lakas ng loob ni gagong mag park sa tabi.


"Andy... H'wag mo 'kong ipamimigay sa kanila. Tulungan mo 'kong lumaban. Please?"

"Ahhh-ehhh-hah?" Naintindihan 'ko naman 'yung sinabi nya pero bakit nya sinasabi sakin 'to? Ano ba talaga ang gusto nyang palabasin?

The Boyish And The Playboy (COMPLETED {REVISING})Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon