RHC #2

68 3 2
                                    

Rei's PoV

"Ok ka lang," tanong ni Cherry na kumakain ng chippy habang nakataas pa ang paa sa center sofa dito sa kwarto ko. Feel at home na feel at home ang gaga.

"Do I look like I'm ok?", inis na sabi ko.

"Chill ka lang Love, credit card lang yun.", natatawang sabi ni Julius.

"Love mo mukha mo! Credit card lang? Ok ka lang? I don't even have cash!", inis na sabi ko.

"So wala kang balak pumasok ngayon?", tanong ni Cathy.

"WALA!"

"Naku. Patay ka nanaman sa tatay mo", sabi naman ni Kristoff.

"Tss."

"May transferree pa naman sa grade 12.", napataas ang kilang ko sa sinabi ni Cherry.

"Grade 12? Bakit nagtransfer?", takang tanong ko.

"Ewan. Narinig ko lang e.", sagot nito at pinagpatuloy ang pagkain.

"Wala namang College sa UC diba? So bakit lilipat pa kung Grade 12 na?", takang tanong ko.

"Why so interested, love?", sabat nanaman ni Julius. Sinamaan ko siya ng tingin at nagtaas lang ito ng dalawang kamay.

"Joke lang.", bawi niya agad.

"Tara na. 7:30 na. Mukhang walang balak pumasok yang gagang yan", mataray na sabi ni Cherry.

"Go!", sabi ko at nagtalukbong ng kumot. Rinig ko ang mga yabag nila palabas ng kwarto ko.

"Isa, umayos ka Julius.", reklamo ko nang maramdamang may nakayakap sa akin.

"Julius ano ba", inis na sabi ko dahil hindi ko na gusto ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Kagaya ito ng naramdaman ko noong isang gabi. Si Julius ba ang lalaking kaharap ko nung gabing yon? Pero imposible, matangkad si Julius. Pandak yung kaharap ko noon.

Dahil sa takot ay hinigpitan ko ang pagkahawak sa kumot na nakatalukbong sa akin. Nanatili siyang nakayakap sa akin.

Mas humigpit ito at doon ako nakahinga ng maluwag at hindi ko alam kung bakit. Bakit naging komportable ako gayong mas hinigpitan niya ang yakap?

"It's nice to have you by my side.", bulong ng isang boses ng lalaki bago ako muling nakatulog dahil sa sobrang ka-komportablehan ng pakiramdam ko.

...

John's PoV

"John?", napabalikwas ako nang marinig ko ang boses ni Kuya.

"Ben nga sabi!", iritang sabi ko.

"Ano naman kung John ang tawag ko sayo?", tanong nito.

"Basta Ben! Ben ang itawag mo sa akin.", sabi ko pa. I just love that name.

"Ok fine Ben. May sasabihin ako sayo.", seryosong sabi niya.

"Ano?"

"Patay na si Janelle", nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Imposible. Janelle is part of the committee kaya naman well trained ito. Paanong napatay?

"Paano nangyari yon?", kalmado ko paring tanong.

"They said someone got her heart.", sabi nito.

"You mean, bampira ang pumatay sa kanya?", gulat na tanong ko. Respetado ang committee, sinong bampira ang mangangahas na patayin ang pangalawang leader ng Committee?

"Vampire hunter ang pumatay."

"Kung ganoon, paano nakuha ang puso niya?", takang tanong ko.

"Using a weapon daw. May bagong weapon ang mga vampire hunters. Guess what, ang vampire hunter na pumatay ay ang mismong leader ng Vampire Hunter sa Southlet.", sabi niya.

Heartbeats Series #2: Reincarnated Heartbeats Collide [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon