Lauren's POV
Kinawayan ko si Yvette nang makita ko siya.
"Ayieeee~ miss ko panget mong mukha" lumapit ako sa kanya saka siya niyakap.
"Kapal mo. Di kita namiss" sabi niya saka ako binatukan :<
"So.... WELCOME TO KOREA!" Sabi ni Yvette habang nakataas ang kamay at umikot-ikot na ikinangiti ko habang tumatalon-talon, naiimagine niyo ba? Mukha kaming tanga no?
"Beshie, anong unang destination natin?"
"At dahil kagagaling mo sa byahe, kain muna tayoooo" sabi nya saka kami nag-apir.
"Pero ba't ganun? Kanina pa nila ako pinagtitinginan, ngayon lang ba sila nakakita ng dyosa?" inikot niya yung paningin niya saka nanlaki yung mata niya,
"Bes! Akala ko design yang nasa white pants mo!" Ang alin? Napatingin ako sa pants kong puting-puti na may red spots... RED SPOTS?!
"Gaga, ba't di mo sinabi agad?!" Nakakahiya shiiiiiit.
Nilabas ko yung jacket ko sa bag ko saka ko tinali sa bewang ko.
"Cr muna tayo, bago kain. May dala akong napkin dito. Jusko, ba't di mo alam kung kailan ka magkakaron?" Napakamot ako sa ulo ko, eh sa di ko matandaan eh?
Pumunta kami sa cr at nang matapos ko na yung ginagawa ko, lumabas na ko.
At nagkaron ako ng late realization.
"BESHIEEEE! Nakakahiyaaaa! Nagtatatalon pa ko kanina tapos may tagos na pala yung pants ko! Ayoko na beshie, tatalon na ko sa highest floor ng namsan tower." Sabi ko habang inuuntog ko yung ulo ko sa pintuan ng isang cubicle.
"Beshie, wag OA. Parang first time matagusan in public? Di ka maaalala ng mga yun, dun wori. Tara na, gutom na din ako." padabog akong lumabas sa cr, saka napayuko nang makita na madaming tao.
Ang dugyot ng first impression ng koreans sakin.
--
wEEEWOOOOOO congrats sa debut ng byeongari nateeeen🎉 binata sya huhu
BINABASA MO ANG
Convenience Store: Yoo Seonho
Fanfiction-tagalog epistolary ff- ❝ qaque?! taggutom ka kyah? ❞