Caraphernelia - 2

271 14 2
                                    

"Nagdala ka pa ng babae? Ano na ba ang ginagawa mo sa buhay mo Mika!" Sigaw sa akin ni Papa. Hindi niya nahalata na robot 'yung humawak sa kaniya.

I close eyes and take a deep breath, hindi ko talaga alam kung paano ako mag papaliwanag kay Papa.

"Look Pa, hindi ko siya babae okay? Siya—."

"I'm her brodie."

Tuluyan na akong napa-face palm dahil hindi naman kailangan sumabat ni Aly.

Tuluyang nainis si Papa at napailing iling nalang.

"Mag usap tayo sa study room ko, ngayon na."

Napayuko nalang ako dahil alam ko sa sarili ko na kapag sa study room na kami nag usap, wala na akong takas sa kaniya.

Kung 'yung ibang tao sobrang natatakot sa kaniya, paano pa kaya ako na anak niya? Pero kahit ganito, alam ko naman na love na love ako ni Papa. Siya kaya 'yung tagalusot ko sa mga problema ko.

"Brodie, dito ka lang okay? Wag na wag kang lalabas ng kwarto. Makikipag usap lang ako kay Papa. Isave mo siya sa data mo. Kapag nagkikita kayo, lagi mo siyang babatiin at ngi-ngitian okay?"

"Ganito ba brodie?" Pagkasabi niya no'n ay ngumiti siya ng sobrang lapad. Kitang kita tuloy 'yung dimples niya. Napangiti din ako.

Ang cute pala ni Aly.

"Yes Aly, ang galing mo talaga. Sige, puntahan ko muna si Papa." Tumango lang siya bilang sagot at lumabas na ako ng kwarto.

Bumuntong hininga lang ako saka pumunta na sa study room ni Papa.

Marahan akong kumatok bago pumasok. Pagbukas ko palang ng pinto ay nakita ko na agad si Papa na nakaupo.

"Pa," mahinang tawag ko sa kaniya.

"Take a sit little kid." Seryosong sabi niya sa akin.

Parang lalabas na talaga 'yung puso ko sa sobrang lakas ng tibok nito.

"Pa, sorry. Hindi ko agad nasabi sa 'yo 'yung about kay AV2.3. Siya 'yung robot na binili ko Pa. Alam ko kasi na magagalit ka kaya hindi ko po agad nasabi sa 'yo. Sorry talaga." Kung pwede lang umiyak para hindi niya na ako pagalitan at para hindi na siya magalit sa akin, ginawa ko na.

"How much?"

"Pa, wag naman ganyan 'yung tanong." Mas magagalit kasi siya kapag nalaman niya 'yung presyo ni Aly. Baka kung sinabi ko nga kay Mama mahimatay siya e.

"If you don't want to answer my question, get out of my sight!" Malakas na sigaw niya sa akin.

Penge tulong please.

"Almost hundred million po. Pero inunti unti ko 'yung pagbayad do'n."

"Legal ba 'yan? Baka magkaproblema ka naman at ako na naman ang umayos. Hindi ka ba nagsasawa?" May halong pag aalala na sabi ni Papa.

Alam ko naman na kahit mukhang galit siya, nag aalala lang siya sa akin.

"Yes Pa, complete ako sa papers. May contract din kami since under maintenance pa si Aly. —yung robot." Awkward na sabi ko sa kaniya. Bakit kasi nakakahiya makipag usap sa parents ng ibang bagay? Bakit mas madali pa mag open up sa mga kaibigan kesa sa magulang?

"Make sure na walang gusot 'yan. Ang laking halaga ng ginugol mo dyan. At, ayokong may makakaalam na iba na may robot ka sa bahay. I'm sure pagkakaguluhan 'yan. Kilala mo ako, ayoko ng maingay na pangalan sa pamilya natin." Seryosong sabi niya sa akin habang nakatingin pa sa mga mata ko.

Napalunok nalang ako ng laway. Nakakatakot kasi si Papa kapag tinignan niya na ako sa mga mata tapos seryoso. Parang kakainin niya ako ng buhay. Hindi nakakapagtaka na kinakatakutan siya ng lahat.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 09, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

CarapherneliaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon