Prologue

878 34 3
                                    

MIKA POV

"Silence! Silence!" Rinig kong sabi nung Judge dahil pinatahimik niya ang lahat.

Nasa korte ako ngayon at kasalukuyang pinag-aaralan ang kaso ko na mag iisang bwan narin ang tinatagal. Nang dahil sa ginawa ko ay pakiramdam ko lahat ng tao ay tingin sa akin ay weirdo.

Bakit hindi naman hindi di ba? Kung hindi ko lang sana ginawa 'yung bagay na 'yun. Kung hindi ko lang sana naramdaman sa kaniya ang tunay na pagmamahal edi sana okay pa sana ako ngayon. Edi sana hindi ako nakakakulong ngayon, edi sana hindi ako kinakahiya ng mga taong nakakakilala sa akin ngayon.

Ano pa nga ba ang magagawa ko? Nagawa ko na. Kung tatanungin man ako ngayon kung gagawin ko ba ulit 'yung bagay na ginawa ko, isang taon mahigit na ang nakakaraan ay gagawin ko parin. Bakit naman hindi? Sumaya ako sa kaniya. Sumaya ako sa piling niya, sumaya ako kahit siya 'yung pinaka impossible sa lahat ng impossible. Kumbaga sa mga lovestory ay Fantasy 'yung amin.

Madami ngang nagtatanong sa akin, "Totoo bang minahal ka niya? Wala naman talagang feelings 'yung mga gano'n di ba?", "Kulang ka siguro sa pagmamahal kaya mo 'yun nagawa. Tama ba ako?" o kaya naman "Alam mong malaking ilusyon 'yun di ba?"

May mga tao talaga na hindi nila alam ang sinasabi nila. Tumitingin sila base sa kung ano 'yung nakikita nila. Magsasalita at manghuhusga base sa kung ano ang kayang ibigay o ipakita ng isang tao o bagay. Maniniwala sa kung ano ang iniisip na tama. Ganyan ang takbo ng mga tao hindi muna nag iisip bago gumawa ng isang bagay.

"Mika Reyes, isang license programmer. Madami ka na palang kaso pero lagi kang napapalaya dahil ang tatay mo ay isang mataas na opisyal sa larangan ng kapulisan. Na-hack mo na ang iba't ibang ahensya ng gobyerno. Balita ko, inofferan ka na rin para maging isang security officer sa isang team ng government para magamit mo ang skills mo ng maayos pero tinanggihan mo lang. Tama ba ang lahat ng iyon?" Tanong sa akin ng abogado ng kabilang panig na kanina pa ako ginigisa.

Actually kanina ko pa gusto umalis sa korteng 'to, ano pa ang sense ng pag-eexplain at pagsagot ng mga tanong kung sa bandang huli ay ako parin ang mali at makukulong? Alam ko namang mali ang ginawa ko at masyadong against the rules ng kumpanyang kalaban ko ngayon pero wala silang magagawa dahil kapag gusto ko ay ginagawa ko.

Tumango tango lang ako bilang sagot dahil tinatamad na akong magsalita.

"Sabihin mo nga sa amin, may mental disorder ka ba or nagawa lang mo lang 'yun dahil malapit ka ng mabaliw?" Napataas ako ng kilay dahil sa sinabi niya. Abogado ba talaga siya? Bakit ang bobo niya magtanong?

"Objection your honor, parang pinapahiya na ni Atty. Intal ang kliyente ko." Agad na sabi ng abogado ko na si Ara. Siya 'yung napili kong maging abogado dahil kilalang kilala niya na ako kaya kahit hindi namin pag aralan 'yung mga dapat pag aralan sa kaso ay kaya niya na akong ipagtanggol. Childhood friend ko siya at pati na din si Jessey De Leon. Sila lang 'yung taong nakakaintindi sa akin at sa kung ano ang nangyayari ngayon.

Agad naman nagsorry si Atty. Intal sa tinanong niya. Inayos niya 'yung coat na suot suot niya at tumingin ulit sa akin.

"Tumingin ka sa akin ng diretso Ms. Reyes, kaya mo ba nagawa iyong bagay na 'yun dahil mahal mo siya? Mahal mo si AV2.3?"

Napalunok ako sa sinabi niya. Parang nagflashback sa akin lahat ng nangyari kasama si Aly. Parang gusto kong maiyak sa sitwasyon na 'to kaso hindi dapat ako magpatalo sa nararamdaman ko.

Sobrang mahal na mahal ko siya kahit wala na siya ngayon. Kahit anong talino ko, naging tanga ako ng dahil sa kaniya. Ng dahil sa pagmamahal ko sa kaniya. Tinaya ko ang lahat para sa kaniya pero eto ako ngayon, naiwan na nag iisa, nasasaktan, kinukutya, nakakulong hindi lang literal na kulong kundi nakakulong sa mga memories naming dalawa na ako nalang ang nakakaalala.

Tinignan ko si Atty. Intal ng direcho sa mga mata at binigyan ko siya ng tingin na hindi niya malilimutan sa buong buhay niya.

"Kung hindi ko siya mahal, sa tingin mo ba magagawa ko ang lahat ng 'to?"

Kitang kita ko ang pamumutla niya kaya naman napaiwas siya sa akin ng tingin. Ako pa sinubukan niya eh mas demonyo pa ako sa demonyo kung tumingin.

Nagbigay lang siya ng tanong na obvious naman ang sagot.

I still love AV2.3 slash Alyssa Valdez 2.3 version slash babe even if she left me with Caraphernelia.

------------------------
Note: Another Fanfiction. :) Masyado bang magulo ang prologue? Sa umpisa lang 'yan! :D

So guys what do you think? Comment your thoughts :)

Thanks for reading :)

CarapherneliaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon