My name is Lui Andrei Chao half pilipino half chinese. Im 19 years old at nag aaral sa isang pinakasikat na unibersidad at hindi sa pagmamayabang ang may ari ng unibersidad na iyon ay ang daddy ko. Sya ang chinese at ang mommy ko naman ang pilipino. Mas umaangat sa itsura ko ang pagiging chinese,singkit na mga mata,sensitibo at maputing balat,matangos na ilong,at magandang labi. Marami na akong naging ex. Hmm... Mga 28 lang naman siguro sila haha.
"Kringggg kringgg". Tunog ng alarm clock ko hays. Napakabilis talaga ng araw pasukan nanaman. Ang pinaka nakakatamaran kong araw ay tuwing may pasok at heto na nga dumating na ang araw tssss.
"Oh anak bilisan mo sa paggagayak at maya maya nanjan na ang driver mo oh sige mauna na ako at hinihintay na ako sa office" sabi sakin ni mom at hinalikan ako sa pisngi at tsaka umalis. Lumaki akong busy sila sa negosyo kaya noong bata ako ay ang mga yaya ko nalang at driver ang nakakalaro ko. Bawal din naman akong lumabas noon ng bahay dahil ayaw nila akong masugatan.
Naligo na ako at pagtapos maligo ay kumaim,nagsipilyo,at nag ayos na ako ng sarili tsaka inihatid ako ng driver.
"Ingat po boss" nakangiting sabi sakin ng driver ko.
Tumango na lamang ako bilang tugon.
Ngayon ay naglalakad na ako sa loob ng campus.
"Shit ang gwapo nya bes!"
"Makalaglag panty shet!"
"Wow ang gwapo talaga ng crush ko!"
Iilan lamang iyan sa mga naritinig ko habang naglalakad ako sa campus. Puta hindi ko makita kung nasaan iyong room ko puta room 15 mga nasa 3rd floor pa iyon malamang sa malamang.
Habang naglalakad ako papunta sa hagdan para umakyat sa 3rd floor ay may nakita akong nagkukumpulan. At nakita kong may binubully silang lalaki at inagaw ang kanyang bag. Hindi naman ito maabot ng lalaking binubully dahil medyo maliit sya.
Lumapit ako sa kanila.
"Hey" sabi ko
Napatingin sila sakin.
Kinuha ko yung bag nung binubully at tsaka tinignan iyong lalaking binubully. At tsaka ko sya nginitian wala syang reaksyon. Ibinuhos ko lahat ng laman ng nasa bag at wala pa rin syang reaksyon.
"Hahahaha kaya idol ka naan pre eh! Tara na pre pasok na tayo san ba room mo pre lui?"
"Sa room 15 pre" sagot ko naman.
