“Wake up na, honeybuch” may nagbulong sa tenga ko.
Honeybunch?
“Gising na, my princess” natatawang sabi naman ng isa sa 'kin.
Princess?
“Anu ba yan! Ang ingay, kitang natutulog pa yung tao e!” sinigaw ko sa kung sino man yung nanggigising sa'kin. Sabay takip ng unan sa tenga ko.
Oo nga pala na sa kama ako ngayon natutulog at may mga pesteng nanggigising sa kin.
“Elise, dear gising na.” sabi naman ng isa pang boses. Nakakapangilabot naman yung boses, parang bakla lang a!
“Panu yan ayaw pangmagising o! anu na gagawin natin?” nag-aalalang sabi ng isa na parang may something na binabalak. Bat kasi kailangang gisingin ako e!
“Kung ako sainyo titigil na ko, patay kayo jan pag na gising na yan.” Warning pa ng isa.
"Anong patay-patay ka jan? ‘to talagang si kuya Rafy kahit kelan kj talaga."
“Nako. Wala na tayong magagawa! Ayaw niyang gumising e, gawin na natin ang plano natin! ”masayang sabi naman nung tumawag sakin na honeybunch na talagang natatawa pa.
Biglang may nagtanggal ng unan na nakatakip sa tenga ko at biglang may nagtapat ng alarm clock sa tenga ko. Ang lakas ng alarm! Ang ingay! Badtrip! Bumangon agad ako sa pagkakahiga. Tumayo. Nilapitan ang may hawak ng alarm clock.
“Damn it!” asar na asar na sabi ko! Kainis a! natutulog pa yung tao ginigising. Naglalakad na ko na papunta sa pesteng nanggising sa kin.
“Ayan sinabihan ko kayo. Bahala kayo diyan,”natatawang sabi ni kuya Rafy sabay upo sa kama ko. Habang yung apat naman nasa isang sulok sa kuwarto ko, may natatakot, at natatawa pa.
Tinulak ko yung may hawak ng alarm clock sa wall, dahan-dahan lang naman. Tapos sinipa ko sa paa. “aw! ” napasigaw yun sa sipa ko, si kuya Shin yun. Tapos yung katabi niya na tawang-tawa si kuya Sean.“tumatawa ka pa a!” sabay apak sa paa nun ng madiin. “sh*t! ” sabi niya.
Nung papunta na ko kay kuya Lei. Bigla akong binuhusan ng tubig sa likod, paglingon ko si kuya Leo pala.
“Aaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!!!” napasigaw ako sa inis. Lahat silang apat tumakbo pa labas ng kuwarto ko. “bleh!” inis pa nila saken. “kaasar!!! Parang mga bata! ” inis na inis na sabi ko, nakoo! Ang aga-aga pinagttripan na agad ako. Ayan tuloy basang basa ako basa na din yung carpet sa kuwarto ko. Kaasar talaga yung apat na yun!
Nilagyan ako ni kuya Rapii ng towel sa ulo. “Maligo ka na, saka sumunod ka na sa baba.” Nakita kong nakapanglakad siya. “san ka pupunta?” parang batang tanong ko. Malamang mukang basang sisiw ako nito! Aish!! Kainis talaga yung mga kapatid ko! Buti pa si kuya Rafy.
“Saan? ‘tayo’ ang aalis kaya maligo ka na, baka magkasakit ka pa.” tapos bigla siyang ngumiti sakin. Awww .. ang bait talaga nitong kapatid ko, di gaya nung apat na iba. Tss .. Kung siguro di ko ‘to kapatid baka matagal ko na ‘tong crush! Haha kaya madami ding may gusto dito e!
So kaagad akong naligo. Nagbihis. Bumaba sa dining room para mag-almusal. Lahat sila dun tawa ng tawa. Mga di pa rin makagetover sa ginawa saken! Nakoo, parang mga bata talaga!
BINABASA MO ANG
I Think I Love You.
Teen FictionHere comes Elise, the only daughter of the richest company in the world, with her 5 older brothers around which is the main contributor to this young lady's distress. Discovers what love is. Torn between 3 guys far different from each other. What wi...