Tips 1.1

376 7 2
                                    

Alamin mo kung bat ka nadedepress. Then end it.

Maraming dahilan kung bakit nadedepress ang isang tao.

1. Problema sa pamilya.
2. Problema sa kaibigan.
3. Problema sa love life.
4. Problema sa school.
5. Problema sa pera.
6. Problema sa mga taong nasa paligid mo.
7. Problema sa sarili.
etc.

Sa lagay ko, ang dahilan ng aking depresyon ay dahil sa problema ko sa mga taong nasa paligid ko at sa sarili ko. Nawalan ako ng tiwala sa sarili ko dahil sa ibang tao. Nawalan din ako ng tiwala sa ibang tao dahil lagi nila akong niloloko.

Halimbawa

Naranasan mo na ba na may pinagkakatiwalaan kang kaibigan? Tas yun pala binabackstab ka? Sa huli ikaw pa ang masama at naiwan? Alam mo yung feeling na tiwalang tiwala ka tas ganun nalang?

Isa pa ding halimbawa ang trato ng magulang mo sayo. Alam mo yung lagi nalang na mali na ginagawa mo ang napapansin nila? Yung mga tama baliwala? Yung tipong sa 9 na tamang bagay na ginawa mo sa 1 pagkakamali mo nawala lahat yun?

School kung nahihirapan ka sa eskwela maari din itong maging dahilan. Kung nahihirapan ka sa subjects mo. Kung bwisit yung teacher mo. Kung bullies yung mga classmates mo.

Iniwan ng boyfriend/girlfriend isa ito sa mga dahilan. Tinimer ka? Niloko ka? Pinagpalit ka sa bakla? Pinerahan ka? Di ka nagiisa. Di rin sya nagiisa!

Problema sa pera? Eto yung karaniwang problema ng mga adults kung bat sila naiistress at nadedepress yung mga walang pambayad sa bayarin!

May problema sa mga tao sa paligid nila. Ito yung mga taong napapaligiran ng mga toxic na tao at toxic na paligid.

Yung mga may problema sa sarili. Ito yung mga taong may demonyong nakapaligid. Alam mo yung feeling na dinodown mo yung sarili mo? Yung walang dahilan pero nalulungkot ka? Yung gusto mo magpakamatay kase tutal wala ka namang saysay dito sa mundo diba? Wala namang nagmamahal sayo eh! HINDI DAPAT GANON OK?

Anxiety At The Same Time With DepressionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon