Kleen POV
"Hey dad , what happened?"
"Tumigil eh! , wait bababain ko lang "
Grabe naman bakit ngayon ka pa nasiraan!! Wala kameng kasamang driver at paniguradong walang alam sa makina si daddy. Hey Car please cooperate I'm hungry! , nagulat ako ng pag lingon ko sa harapan ng kotse ay may lalaki ng kausap di dad hindi ko makita ang mukha nya dahil na tatakpan pero salamat dahil kahit papano ay naka kita ako ng pag asa , pag asa na aandar to at hindi kame mag cocomute. Maya maya pa ay pumasok si dad mukhang naayos na.
"Hey Day ? Okay na?"
At biglang ni start ni daddy ang kotse"Wow , hulog ka ng langit"
sabay labas uli ng kotse , na aning na!! Narinig ko pang binibigyan ng pera yung lalaki pero tinangihan nya lang ito , may ganyan pa palang lalaki ngayon. Laking gulat ko ng pag sara ng bubong ng makina ni daddy ay isang pamilyar na mukha ng lalaki ang tumambad sa harapan ko, isang mukhang hindi ko man lamang na isip na maaring gumawa ng ganito nakaka tawang isipin na bakit sa diname dami ng lalaking pwdeng tumulong samen ay ikaw pa... It's a big wow Mr.Justine PARAS! , nakangiting pumasok si daddy.
"Oh Mr . Dominguez? Masyado naman atang masaya" pang aasar nasabi ko
"Nakakatuwa lang na may mga ganong kabataan pa sa ngayon kung ang iba at tatangapin agad ang pera pero kakaiba ang lalaking yun"
"Wag ka masyado humanga baka mag karoon ako ng bagong mommy" at sabay kameng tumawa
"Pero seryoso Darling , kung mag boboy friend ka dapat ganong lalaki .. Magalang , Mabait , Matalino , Madiskarte at higit sa lahat hindi mukhang pera. Hindi yung peperahan ka lang!"
"Gusto mo asawahin ko na yun eh! Dat hiningi number HAHAHA"
"seryoso ako kleen!"
"Okay! Kalma!" Nag biruan at kwentuhan lang kami ni daddy hangang sa maka rating kame sa bahay. Nakita ko agad si Kuya Kole na nakatayo sa teris at may kausap sa phone , sino naman kayang kausao Neto tsk halos araw araw kase ay iba ang dala nyang babae . pag ka garahe ni dad ay sabay na kameng pumasok sa bahay malayo pa lang ay naririnig ko na ang boses ni mommy pero lamang ang Amoy ng masarap na luto ni yaya..
"I'm here" sabay na sabe namen ni daddy kaya nag katinginan kameng lahat at sabay sabay na tumawa.
"Mag ama nga kayo" - yaya
"Wow yaya mukhang masarap yan ah"
"Syempre paborito ng unika iha ng pamilya yan "
"Special Apritada" sabay namen sabe ni yaya
"Mom ! Ano ba yan ang ingay nyo! Daig nyo pa si krustin , tignan nyo si krustin tahimik lang" lumapit ako kay Krustin at hinalikan ito sa pisnge gumanti naman ito ng halik sa noo at yakap.
"Eto kaseng si Mc eh parang tanga ayaw ibigay saken yung remote"
"Kuya Bigay mo na kase , kaya nag mumukhang matanda yan si mommy eh pinapasakit mo ulo!"
"Ayan na oh!" Natawa naman ako na tila sila asot pusa.
"Hi baby , how's your day?"
"I'm fine its a wonderful day ate "
"Good " sabay gulo sa buhok nito
"Mag bibihis lang ako tas Kain na tayo " sabi ko sa lahat ng nanduon pero mukhang wala namang nakinig hayst grabe ang gulo ng pamilya ko pero kahit maingay at magulo to ay masaya kame , wala na ata akong nais pang idagdag sa pamilyang to kuntento na ako. Napag pasyahan kong mag shower para pag tapos kumain ay tuyo na ang buhok ko madali ng maka tulog, ilang minuto ang minalagi ko sa CR at tsaka ako tuluyang lumabas na upang mag bihis para din maka Kain na kame gutom na din ako. Nag susuklay ako ng aking buhok ng makita ko ang picture ko nuong unang sumali ako sa pageant sa school , ayoko ng maalala ang mga ng yare nung araw na yun , parang binagsakan ako ng langit nung mga panahong iyon tila ba isang malaking pag kakamali na sumali ako. Naalala ko tuloy yung ng yare kanina hindi ko alam kung paano ko sasabihin sakanila na Representative ako sa SGC bilang Queen . hayst saket sa ulo!! Bakit kase kailangan pang makipag kumpetensya ng Irish na yan pwde namang sya na lang tutal sya naman din ang mananalo.. Nag pasya na akong bumaba at nanduon nadin ang lahat , hindi ko alam kung paano ko sasabihin sakanila..
"Amen" -Krustin ,
hindi ko man lang namalayan na nag dadasal hayst why so lutang kleen!! Nag kukwentuhan sila habang ako ay sabaw sa pag iisip sa speech ko hindi ko alam kung paano ko sisimulan..
"Ate gusto mo pa ng patatas?" -krustin , nagising ang sistema ko sa pag tatanong ni Krustin
"Ay sige baby thank you"
"You're welcome my wife" hahaha madalas ay wife talaga ang tawag saken ni krustin sabe nya kase ay gusto nya katulad ko ang mapapangasawa nya 6 yrs old palang to si krustin pero ang dami nya ng alam at gustong gawen sa buhay pag laki nya.
"Kleen may gusto kabang sabihin?"
"Ha?"
"Kanina kapa tahimik "
"Ah wala naman I'm just tired"
"I see" malapit na kameng matapos sa pagkain ng maisipan kong sabihin na.
"Ano kase..."
"Buntis ka?" - Kole
"Sino gumawa nyan sayo? Sabihin mo sino yang gago na lalaki na yan!" - Kristopher
"Bobo nyo diyan buntis sadyang malaki lang tyan nyan!" - Kris Mc
"Kuya naman! Nakakainsulto yun ah nahiya yung taba mo! , tsaka wait nga kayong dalawa ang baho ng utak nyo hindi ako buntis hello nbsb kaya ako!"
"Eh ano?!" Silang lahat
"Kase...."
"Kase?" -sila
"Kase....."
"Okay mag babalik pa po kame , saglet lang to" -kris , pag gaya nya sa commercial ng cinemo
"Ano ba yan kleen Wag papata-"
"Representative ako bilang Queen sa SGC "
"Ah yun lang pala"-kole
"Kala naman namen kung ano"- Kristopher
"Kala ko naman malala" -mommy
"Hindi kayo galet?"
"Hindi"-sila
Naalis yung tinik sa dibdib ko akala ko talaga ay magagalit sila , masaya kameng natapos sa pag Kain at tsaka kame nag kanya kanya ng kwarto nag paalamanan lang saglit , maginhawa akong pumasok sa kwarto ko wala ng gumugulo sa isipan ko nahiga na lamang ako at tsaka tuluyang hinayang lamunin ng antok ang buong sistema ko......
K I N A B U K A S AN
*Tling~ Tling~ Tling~
To be continue................................
YOU ARE READING
Cuento de hadas (Fairytale)
Novela JuvenilMahilig ako sa fairytale sa sobrang hilig ko kasalungat ng mga princess ang buhay ko . kung si Cinderella ay naghirap muna bago maging ganap na Prinsesa ako naman ay halos mamigay ng pera , si Cinderella nag hirap sa kamay ng stepmother nya at hindi...