#6. Hospital

788 30 1
                                    

ALEXIS

"Mom? mommy?!" Sigaw 'ko sa labas ng gate.

Nakalock at 'di 'ko mabuksan

Kaya't tumakbo ako papunta sa gate namin sa likod.

Phew! Buti 'di nakalock.

Bubuksan 'ko sana ang pintuan ng may narinig akong putok ng isang baril?!

*Bang*

Napatakip na lang ako sa tenga 'ko, anong nangyayari sa loob?!

Ilang segundo pa ay nakarinig na ako ng isa pang putok ng baril.

*Bang*

Nang wala na ako marinig na putok ng baril, naglakas loob akong pumasok na sa loob ng mansion.

Pero hindi 'ko inaasahan na ganito ang makikita 'ko...

"Mommy!!!" Sigaw 'ko at lumapit sa nakahandusay na katawan ni Mommy, at may tama s'ya ng baril.

"A-anak" sabi n'ya sa 'kin at hinawakan ang aking pisnge.

"M-mommy! Sino g-gumawa sa'yo nito?" Tanong 'ko.

"A-anak ito a-ang tatandaan m-mo ah... M-mahal n-na mahal k-kita, k-kayong m-mga m-magkakapatid m-mag-iingat k-kayo ah, a-alagaan n'yo a-ang mga s-sarili n'yo m-maha--- ahhh!" Pero naputol ang sasabihin n'ya ng makaramdam s'ya ng sakit mula sa mga tama bg baril sakanyang dibdib.

Nakita 'ko naman ang lalaking tumatakbo papunta sa gate marahil s'ya ang may gawa nito.

Napatayo ako at sinusuri 'kung ano ang istura n'ya.

Ngunit nabigo ako'ng gawin dahil diret-diretsyo s'yang lumabas.

Bumaling ulit ang tingin 'ko 'kay mommy na wala ng malay.

Hindi... Hindi pwede!

"Mommy! Gumising 'ka d'yan!" Sabi 'ko na may halong lungkot at pilit na pinapagising s'ya.

Ni-isang salita wala akong narinig, hinawakan 'ko ang pulsuhan n'ya para malaman 'kung nahinga pa s'ya...

Pero wala.... Ibig sabihin ba nito tuluyan ng pumanaw si mommy?

Hindi maaari!.

Bigla namang napabaling ang tingin 'ko sa tabi ng kamay ni mommy na may nakasulat sa sahig gamit ang dugo...

Si mommy siguro ang nagsulat nito bago pa s'ya mapatay ng pumatay sakanya?

Tinignan 'ko ito baka sakaling kahit dito manlang malaman 'ko 'kung anong pangalan ng pumatay 'kay mommy.

12-21-9-19

'yan ang nakasulat, pero anomg ibig sabihin nito? 'di naman ako magaling sa pagiging detective.

Wait... 'kung maaaring pangalan ito ng taong pumatay 'kay mommy maaring ang mga numero na 'yan ay pagbinilang 'ko in alphabetical letter....

Maaring makabuo ako ng pangalan?...

Gaya ng naisip 'ko ay ginawa 'ko 'yon...

At 'di nga ako nagkakamali nakabuo ako ng pangalan.

The Mafia QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon