#19. Boyfriend?

577 16 5
                                    

ALEXIS

Kanina pa ako 'di mapakali dito sa upuan 'ko dahil kanina pa wala si KYLIE!!

Magiistart na 'yong first subject tapos wala pa s'ya?! tapos pati 'yong dalawa mukhang absent ngayon!

'What the hell is going on?!!'

Bumukas ang pinto ng classroom at inaasahan na si Kylie na 'yon, pero hindi isang bwiset ang pumasok tsk, bakit pa kasi lumipat lipat ng section 'yan!

Sumunod naman na pumasok si Blaze na ngiting tinignan ako, inirapan 'ko lang s'ya at ilang minuto lang ang lumipas dumating na ang prof namin, at wala si Kylie..

'May balak palang umabsent 'tong bruhang 'to 'di man lang sinabi sa'kin!'

Tuluyan na nag discuss si prof kaya wala na akong magawa 'kung hindi makinig..

---

Break time na namin pupunta na sana ako ng canteen ng makasalubong 'ko si Nicole.

"Nicole" tawag 'ko sakanya kaya napatigil s'ya sa paglalakad

"Uy Alex!" nakangiting bati n'ya.

"Nakita mo ba 'yong tatlo? kanina pa sila 'di mahagip ng mata 'ko eh." tanong 'ko sakanya.

"Actually, hinahanap 'ko 'rin sila kanina pa eh, pero hindi 'ko sila makita sigu-" hindi n'ya natapos ang sasabihin n'ya ng biglang may umakbay sa'kin.

"Hello Miss M!" ngiting bati sa'kin ni Blaze.

"Blaze?!" gulat na tanong ni Nicole sakanya.

"What?! magkakilala kayo?" takang tanong at binigyan lang sila ng nagtatanong na tingin.

"Ah.. oo-"

"Hindi... hindi 'ko s'ya kilala..." halatang nagulat si Nicole sa sinabi ni Blaze..

'Hmmm... parang may nangyari sa dalawang 'to dati ah...'

"Sorry miss, mauna na kami ng girlfriend 'ko.." bigla akong nagulat sa sinabi ni Blaze at sabay na inakbayan ulit ako.

Nakakailan na 'to ah!

"K-kayo na?!" gulat na tanong ni Nicole na parang onti na lang iiyak na.

"Hindi! wag 'kang maniwa-"

"Oo kami na, halata naman diba?" singit ni Blaze.

"N-no w-way!!" halos tutulo na ang luha ni Nicole dahil sa sinabi ni Blaze.

Ano naman ang pumasok sa kukote nito at naisipang magjowa kami?!

"Babe! Nandyan 'ka lang pala!" agaw atensyon saming tatlo ang boses na 'yon, lumapit si Andrew 'kay Nicole at umakbay 'rin dito.

Ewan 'ko 'kung bakit biglang nag-init ang ulo 'ko sa nakikita 'ko ngayon.

"B-babe??" may halong pagtataka ang pagbanggit ni Nicole non.

"Kailan pa naging kayo?" gulat na tanong 'ko.

"W-wala kaming r-rela-"

"Nung isang araw lang, bakit?" seryosong tanong ni Andrew sa'kin.

Saglit na katahimikan ang namuntawi saming apat.

Akward.

Ilang minuto na kaming ganito kaya nagsalita na ako.

"Ahh... mauna na kami ni Blaze, este ni hon" sabi 'ko at binulungan si Blaze.

"Pagsisisihan mo 'tong ginawa mong gulo!" pigil na gigil na bulong 'ko sakanya.

Humarap ako sakanila at tumingin 'kay Nicole.

"Mamaya na lang ulit tayo mag-usap Nicole, bye.." sabi 'ko sakanya at ibinaling 'ko ang lingon 'ko 'kay Andrew bahagya pa akong nagulat ng makita 'ko s'ya galit na nakipagtitigan 'kay... Blaze?! nyare sa dalawang 'to!?

Hinila 'ko na si Blaze at pumunta kami sa garden, bihira ang mga estudyanteng pumunta dito kaya kaming dalawa lang ang makakarinig ng mapapag-usapan namin.

Masama 'ko s'yang tinignan habang kukunot kunot pa ang noo 'ko.

"Bakit mo 'yon ginawa!?" galit na tanong 'ko.

"A-ang a-alin??" maang maangan n'yang tanong!

"Bakit mo sinabi sa kanila na tayo na?!" Galit na talagang tanong 'ko.

"L-let m-me e-expla---"

"Hindi mo alam 'yong ginawa mong gulo!" Inis na sigaw 'ko sakanya.

"S-sorry!! sorry.. s-s-sorry...." nagmamaka awang sabi n'ya.

"Sige nga! iexplaine mo! iexplaine mo 'kung bakit mo ginawa 'yon! nagplano 'ka nang 'di mo iniisip ang mararamdaman 'ko!" Galit na sabi 'ko.

"M-magkababata kami ni N-nicole... matalik kaming m-magkaibigan.. pero tutol ang p-pamilya namin, k-kaya ipinaglayo kami ng pamilya namin, bumalik kami n-ng k-korea with my family... 'don ako nagpatuloy sa pag-aaral ng elementary hanggang high school, at umuwi ng pilipinas dahil may company na naiwan ang parents 'ko dito kaya dito ako nag aral ng collage, pag uwi 'ko palang ng pinas hinanap 'ko na agad si N-nicole.. nung makita 'ko s'ya sa labas ng isang condo.. sinabi 'ko agad sakanya 'yong nararamdaman 'ko. Sa totoo,lang bata pa lang kami may gusto na ako sakanya.. p-pero nung nagconfess ako sakanya... p-parang pinagsisisihan 'ko na inamin 'ko pa sakanya ang n-nararamdaman 'ko..." bigla akong nakaramdam ng awa sakanya ng mapansin 'kong umiiyak na s'ya, ayaw 'ko pa naman sa lahat na may naiyak na lalaki sa harapan 'ko!

Naiintindihan 'ko naman 'kung anong gusto n'yang iparating...

"S-sige! payag na ako.." kalmadong sabi 'ko.

"H-ha?" parang nawawala sa wisyo n'yang tanong.

"Ang ibig 'kong sabihin payag na akong magpanggap tayo na magsyota na talaga.." aakmang yayakapin na n'ya na ako ng iharap 'ko sa mukha n'ya ang isang palad 'ko at sinenyasan na wag na ituloy ang balak n'yang gawin.

Mukhang naintindihan n'ya kaya umayos ulit s'ya ng pagtayo.

"But.."

"A-anong but?" takang tanong n'ya.

"Tayong dalawa lang ang pwedeng makaalam nito bawal mo ipagkalat, bawal makarating sa pamilya mo lalong lalo na sa pamilya 'ko!.."

".. kapag may nagkalat na tsismis tungkol dito, at pag may narinig akong tungkol dito... maghanda 'ka na.. malalagot 'ka sa'kin!" pagbabanta 'ko sakanya at bahagya pa s'yang nagitla.

"Ano... deal?" tanong 'ko sakanya at inabot ang kamay 'ko sakanya para makipagkamayan, 'kung papayag man s'ya

"Deal.. Thank you Alexis.. wag 'kang mag-alala hindi naman magtatagal 'tong pagpapanggap natin" ngiting sambit n'ya.

"Siguraduhin mo 'yan ah. No problem." maikling sabi 'ko.

"Mauna na ako may klase pa ako." paalam 'ko sakanya.

"Sige ingat 'ka." sabi n'ya.

Tinanguan 'ko na lang s'ya at umalis na sa garden.

|TO BE CONTINUED|

The Mafia QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon