Chapter 4

4 0 0
                                    

Lunch break na at papunta akong cafeteria ngayon. Napahinto ako sa paglalakad at tinignan siya..

"why are you following me like a dog?" inis kong tanong sa kanya

Napangiti lang ito at nag-peace sign.. "e sa wala akong close dito. Sasabay sana ako sayong kakain"

Tss. Nagpatuloy ulit ako sa paglalakad at sumunod na naman siya.. "psh. We're not close. Can you stop following me, it's annoying"

"wow! Ang taas ng sinabi mo ha, first time. Oo na, hindi tayo close but you're the only person I know, kaya please. Pasabay naman" nagpuppy eyes siya at ngumisi, hindi ko pala alam na nakabraces to... She's a nerd

Napabuntong hininga nalang ako. Ang kulit ng babaeng to..

"okay" walang ganang sabi ko

"yehey!" tili niya at kumapit sa braso ko. Tsk

Nang matapos na kaming umorder, pumwesto kami sa pinakagilid.

"hey. Alam mo bang nasunog ang..." sabi niya at kinagat ang burger

Kinabahan akoo.. "anong nasunog?"

"San cafe kagabi, wew! Buti nga at di ako pumunta doon. Kawawa naman yong namatay dahil sa sunog na yon" sabi niya habang kumakain

I expected that, napatigil ako sa pagkain ng maalala ko ang babaeng nakabunggo sakin. Okay lang kaya siya?

I shook my head. Why would I bother? It's destiny we are talking here, I know she went there.

Nang matapos na ang lunch break, kinaladkad ako agad ni Fel. Oh Fel, tawag ko sa kanya. Ewan, sabi niya Fel nalang daw.

Late na kasi kami. Nagmadali kami sa paglakad ng may nabunggo ako. Napahinto naman si Fel.

"sorry, nagmamadali kasi kami" sabi ni Fel habang tinulungan makabangon ang babae ng makita ko ang mukha niya. Nanigas ang katawan ko.

Napalingon naman siya sakin at nagulat ng makita ako.

She survived... Sabi ng aking sisipan.

Nilapitan niya ako at niyakap.

"y-you saved my l-life" sabi niya habang umiiyak.

Tinignan ko naman si Fel at tila ito nagtataka sa inakto ng babaeng yumakap sa akin.

"I-i don't know what you're saying, miss"

Tinignan niya ako.. "s-sabi mo sakin wag ako pumunta sa San Cafe.. H-hindi ko alam kong trip mo lang o seryoso ka. P-parati akong pumupunta don after nga klasi ko, kaya kahapon.. Pumunta ulit ako don, nagdadalawang isip ako kaya lumabas agad ako nang paglabas ko kinain nang apoy ang cafe, n-niligtas m-mo akoo" sabi niya

Natahimik lng ako. Hindi ako makapaniwala, I-i changed the destiny. Napalingon ako sa mata niya at...

Kumalas ako sa pagkakayakap niya at tinignan siya sa mata.

Paanong nangyari.. H-how?

B-bakit wala akong makita?

Tinignan ko siya ng mabuti, ang mga mata niya.. Tila repleksyon ko lang ang nakita ko.

Anong nangyari? Ba't hindi ko makita ang hinaharap?

Nagtataka itong tumingin sakin.. "o-okay ka l-lang?" tanong niya.

Di ko siya sinagot. I just stared at her, naramdaman kong may humila sakin.
"I'm sorry girl but we're late and we have to go" sabi ni Fel sa babae.

Napatitig pa rin ako sa kanya. Impossible.. Impossibleng hindi ko makita. Nawala na ba? Normal na ba akong tao? B-bakit?

"hey Geve!" tawag sakin ni Fel

Bakit? B-baka wala na talaga? P--

"ARAY!" sigaw ko. Tinignan ko ng masama ang taong sumampal sakin.

"sorry. Hindi ka kasi nakikinig, andito na tayo and we're late. Ano ka ba!? May problema ba?"

Dahil sa pag-iisip hindi ko namalayang nakaladkad na pala ako papuntang room at andito ako sa tapat ng pinto. Napatingin ako sa relo ko, shoot! We're 15 minutes late.

"wala" sabi ko lang tsaka pumasok. Nagtinginan naman ang lahat ng tao sakin.. Samin.

"sorry we're late" sabi ko. Tsaka lumapit sa teacher namin... "natagusan, nagpalit muna" bulong ko sa kanya.

Napatango naman ito, hinila ko naman si Fel. Naglakad ako ng walang emosyong pinapakita. Nakita ko naman si Justin na nakatitig sakin ng masama. Iniwas ko nalang ang paningin ko sa kanya.

Nang makaupo na ko, agad namang sinubsob ang ulo ko sa lamesa. Ugh! My head hurts.

"okay ka lang ba?" tanong ni Fel

"yeah" sabi ko

"ahm. Geve may tanong ako"

"shoot"

"e-eh. Tungkol sana kanina--"

Bago paman niya mabanggit inunahan ko na siya.. "I don't know what she's talking about and she just reminds me of a friend I knew"

"a-ahh. Okay" sabi niya

Hindi na niya ako kinukulit. Naramdaman atang wala talaga ako sa mood, hindi ko magawang makinig sa klasi. Ugh, I want to sleep.

Pipikit na sana ako ng may tumili..

Napatingin ako sa unahan. What the!?

"yeee. Ang gwapo"

"sino yan!?"

"he's hot"

Yan ang mga naririnig ko. Teka, sino bang tinutukoy nito. Nag angat ako ng ulo para makita ang nasa unahan, napatitig ako sa kanya.

"ang gwapo Geve. Sino kaya siya" tanong ni Fel

Aba! Ewan ko, I think he's new. Napatitig ako sa mukha niya. Well, he has a face. Hindi ko alam kong ilang minuto akong napatitig sa kanya, ni hindi ko nga narinig ang sinabi niya.

Napalingon ito sa sakin at nagkatitigan kami.. Ang mata niya..

May batang lalaking umiiyak kasama ang babaeng walang buhay

Isang lalaki may hawak na kutsilyo

Sinasaktan ang batang lalaki at umiiyak lang ito

Pinikit ko ang aking mga mata. A-ano yon?

"hey Geve" tawag sakin ni Fel.

Napalingon ako sa kanya.

"ba't ka umiiyak"

Napahawak ako sa pisngi ko at naramdamang may likido.

Napalingon ulit ako sa kanya. Nakatitig parin ito sakin na may pagtataka.

"you may sit now" sabi ng guro namin

Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at napatingin nalang sa labas ng bintana. Napahawak ako sa dibdib ko, b-bakit gnito.

Ang sakit.


---- author's note
Sorry. Napakaiksi, mag exam kasi ngayon. Hihi

I Can See The FutureWhere stories live. Discover now