Chapter 2

16 1 0
                                    

Hindi pa rin ako mapalagay. I.. I don't know what to do.

I can't change the fact, I can't change destiny or can I?

"hey Geve"

Nawala ako sa pag-iisip ko ng napalingon ako sa kanya. Agad namang kumunot ang noo ko.

"what?"

"you've been spacing out for 2 minutes" sabi niya

Napatahimik ulit ako. Hooo, kumalma ka Geve.

"what's wrong? You can tell me" sabi niya pa

"nothing" sabi ko, tinignan ko ulit sya.. "and if meron were not friends to tell you"

"were friends na kaya" sabi niya

Mas binilisan ko pa ang paglalakad ko.

"hey wait!"

Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa paglalakad. Nang makarating na ako sa room, agad akong umupo. I don't want to see them,

"huy. Grabi ka naman kun maglakad, napagod ako don ah" sabi niya tapos umupo sa tabi ko

Tinignan ko siya ng may pagtataka.

"what?" sabi niya.. "may umuupo ba sa tabi mo?"

"wala"

"wala naman pala eh, edi tabi tayo" sabi niya sabay ngisi.

I just rolled my eyes. Ang kulit ng babaeng to, pag ako napikon sa kanya. Makakatikim talaga to.  

Napalingon ako sa labas, ang pwesto ko kasi ay pinakadulo tapos malapit sa bintana. I want to see outside and wonder.

Minsan sa buhay natin napaka unfair, noon gusto kung makita ang hinaharap dahil exciting ngunit ngayon hindi na. Maraming beses ko ng nasaksihan ang hinaharap nila, kunti lang ang masasabi kong okay pero mas marami yong hindi.

Matitis ko pang makita ang sasaktan, iiwan o lolokuhin sila ng taong mahal  nila pero ang hindi ko masikmura e makikita ko ang kamatayan nila.

Masakit sa part ko. Naniniwala ako sa salitang, lahat tayo ay tinadhana sa iisang bagay at kapag tinadhana yon mangyayari't mangyayari yon kaya hindi ako nanghihimasok o nakikialam.

Alam ko duwag ako pero.. Pero sino ba ako? I'm just a humanbeing, alam kong hindi ako normal pero.. Haist.

"geeeveeee"

Nilingon ko siya. Ano na naman ba ang kailangan nito, iniwas ko ang atensyon ko sa kanya at lumingon sa harap. Haist, nandito na palang ang guro namin. Ikaw kasi kung ano iniisio mo.

"geevee, yohooo" bulong ng katabi ko

Tinignan ko siya ng masama.

"ano na naman ba?" bulong kong tanong

"walaaa. I'm just happy to be your friend" sabi niya sabay ngisi.

"well, too bad the feeling's not mutual"

"so inaamin mo nang friends na tayo?"

Di ko nalang siya pinansin. Titingin na sana ulit ako sa labas ngunit may nahagilap ang mata ko. Siya.

Ngumingiti siya habang kausap niya ang katabi niyang babae.

Napahawak ako sa dibdib ko. Bago paman ito sumakit ng tudo, iniwas ko na ang paningin ko sa kanila.

Well, they look happy

Ang sakit.

Sobrang sakit.

Alam ko naman eh.

Kasalanan ko.

Ewan ko ba kong kasalanan ko o hindi. Ewan ko rin kong tama ba ang ginawa ko o hindi ngunit isa lang nasisigurado ko.

Ang sakit ng puso ko.

Nang matapos na ang lahat ng klasi ko, lumabas agad ako ng school. Muntik na kasing maubos ang pasensya ko sa babaeng iyon, sunod ng sunod ba naman. Putangpepe yon.

Habang naglalakad ako, nakita ko yong babaeng nakabangga sakin kanina sa cafeteria.

Liliko na sana ako ng makita kong umiiyak siya.

Ano namang problema non?

E ano bang pakialam mo Geve. Umiwas ka na nga.

Napkamot ako sa ulo ko. Ito talaga ako, naguguilty.

Hindi ko namalayang papalapit na pala ako sa kanya. Ano bang ginagawa ko? Aist. Bahala na nga.

Nang makalapit na ako, umubo ako upang malaman niyang nandito ako.

Tumalikod siya sakin, pinahiran ang luha tapos lumingon siya sakin na may pagtataka.

"a-ahh. Ikaw yong babae kanina. E-ehh, s-sorry pala kanina" sabi niya na nahihiya

"tsk" yon lang nasabi ko tsaka kinuha ang panyo ko sa bulsa at binigay sa kanya. Takang taka naman siyang tumingin sa panyo.

"kunin mo, pahiran mo ang sipon mo. Nakakahalatang umiyak ka" sabi ko ng hindi lumingon sa kanya.

"s-salamat" tsaka kinuha niya.

"l-labhan ko ito, ts-tsaka ko isasauli sayo. T-thank you talaga" sabi niya

"wag na, sayo nalang yan"  sabi ko tsaka tumalikod. Lalakad nasa sana ako ng maalala ko ang nakita ko sa kanya kaya napahinto ako.

"just do me favor, don't go to San Cafe"

"b-bakit naman?" tanong niyang maypagtataka

"basta wag"

At don na ako umalis. Alam kong nagtataka siya sakin, ako din naman. Nagtataka ako sa kilos ko, di ko alam kong bakit ko yon ginawa. D ko naman ugaling makialam sa buhay ng tao.

Siguro. I want change? Yong nagbabasakaling mali ang paniniwala ko. Na pwedeng mabago ang tinadhana.

Nang makarating na ako sa bahay. Nakita ko agad ang mommy ko sa kusina. Ngumiti ako.

"hi mom"

"oh Geve, anak. Andito kana pala"

"yes mom. Anong ginagawa mo?"

"baking, your favorite. Chocolate cake!" tili niyang sabi

Ito talagang mommy ko napakabagets kon tignan haha.

Nilibot ko ang paningin ko ng may naramdaman akong kulang..

"hey mom. Where's dad?"

"ay. Nasa kompanya may ginagawa"

"ahh okay?" sabi ko nalang..

Nang matapos ng ma bake at nalagyan ng icing, agad ko namang kinain. Napangiti ako..

"this is sooo good, mom. I love it!"

Napangiti namang ngumuya si Mommy.

"ako pa" sabi niya..

Masaya kaming kumain, nang mapuwing si Mommy..

"aray ko" sabi ni Mommy

Tatanungin ko sana kong napano siya nang tinanggal niya ang salamin niya. Napatitig ako sa kanyang mata

May sunog

Umiiyak si Daddy

May babaeng nakatulala habang pinapanood ang dalawa

Nang mawala ang sakit. Sinuot muli ni Mommy ang salamin niya.. Napalingon ito sakin

"oh, sweetheart. Ba't umiiyak ka!?" taka niyang sabi ngunit bakas sa mukha nito ang pag-alala

Napahawak ako sa pisngi ko, naramdaman ko naman ako likido doon.

Noo... Not ny family.. Not my dad

I Can See The FutureWhere stories live. Discover now