One Shot (So isa lang) Chapter UNO n Last 😂

8 1 0
                                    

"Elementary pa lang
Napapansin na nila
Mga gawi kong parang di pambabae e kasi

Imbes na chinese garter
Laruan ko'y teks at jolens
Tapos kajamming ko lagi noon
Mga siga lalaki sa amin"

"Aphrodite! Kakain na ano ba?!"
"Opo ma!"
"Ikaw bata ka kay init init tutuwad tuwad kapa don!"
"Eh mama sayang yung jolens ko e mananalo nanaman ako uwi nanaman silang luhaan"
"Haaay nako Aphrodite ha? Grade 6 kana sa susunod na pasukan tigil tigilan mo ang pagpapaitim mo sa daanan"
"Maaaa Aphro, Aphro lang maaa"
"Tigilan mo ako. Aphrodite ang pangalan mo wala kang magagawa hala sige kain na"

"Nung ako'y mag highschool ay
Napabarkada sa mga bi
Curius na babae na ang hanap din ay babae

Sa halip na make -up kit
Bitbit ko ay gitara
Tapos pormahan ko lagi ay long sleeves
Na tshirt at faded na lonta"

"Oh Aphro mamaya ba pupunta ka sa court?"
"Ay oo dun na tayo magkita"
"Sige hintayin ka nalang namin dun ha?"
"Oo sige na! Ma? Bibihis lang po ako ha? Tulungan po kita dyan wait lang"
"Sige na mukhang may lakad ata kayo ng mga kaibigan mo"
"Nakooo ma, mamaya pa naman pong alas-singko simula ng liga tulungan na muna kita dyan"
"Salamat Aphrodite"
"Mama talaga"

*boogsh

"Miss okay ka lang?"

"Pero noong nakilala kita
Nagbago bigla ang aking timpla"

"Hala ka bro si Aphro"
"Huh Aphro?"
"Anak ng tokwa naman" reklamo ni Aphrodite "Mukha ba akong ring ha? Sakto talaga bessy?? Pagpasok ko talaga?"
"Sorry talaga miss to kasing si Eman ang kulit"
"Eman?!"
"Sorry na Chairman" paumanhin ni Eman na kapitbahay nila Aphrodite.
"Tsk. Ang bola sa ring binabato" sabi ni Aphrodite at saka kinuha ang bola at hinihagis sa ring.
"Wow" react ng mga nanunuod.

Shoot 3 points!

"Sa susunod pwede?" Sabi ni Aphrodite at naglakad na papunta sa mga kaibigan.
"Okay ka lang?"
"Huh?"
"Tanong namin kung okay ka lang?"
"Ahh oo"
"Anyare? Masakit ba?"
"Huh?"
"Aphro?"
"Ano?"
"Okay ka lang ba talaga?"
"Okay nga lang ako pwede? Tsk. Uwi na nga lang ako bye"
"Uy Aphro!" Sigaw ng mga kaibigan niya.

"Eman sino nga kasi yun?"
"Wag kana nga makulit wala ka din pagasa don"
"Ano nga pangalan"
"Aphro masaya kana? Bro wag yun di kayo talo nun wala lang t*** yun pero parehas lang kayo ng takbo ng utak"
"Aphro?"
"Jusko pong malagkit" napahampas nalang si Eman sa noo at inakbayan ang kaibigan "Patrick nako sinasabi ko sayo mahihirapan ka dyan" napakamot nalang sa ulo si Eman ng di mawala ang ngiti ng kaibigan.

"Oh ang aga mo ata? Maaga ba natapos ang liga?"
"Huh ma?"
"Okay ka lang ba Aphrodite?"
"Opo ma, pasensya na natamaan kasi ako ng bola kanina ma kaya umuwi na ako"
"Ha? Saan banda anak? Masakit ba huh?"
"Huh eh ma okay lang naman po ako" pagsisiguro niya sa ina.
"Sabi na kasing wag ka ng pumupunta sa court"
"Eh ma paliga ng brgy.yun diko naman pwedeng di puntahan para pa saan naging SK chairman ako diba?"
"Anak?"
"Po ma?"
"Tara nga dito anak" pagtawag ng ina ni Aphrodite

Pumasok naman si Aphrodite dala ang mga sinilong na damit.

"Alam ko Aphrodite, ang kilos at pananamit mo ay iba pero alam kong" tinuto ang dibdib ni Aphrodite "Alam kong sa loob nito ay nagkukubli ang totoo mong pagkatao"
"Hala si mama ano bang merienda mo ma?" Sabi ni Aphrodite na napapailing nalang at nanguha pa ng damit.
"Anak? Nanay mo ako. Bawat utot at hinga mo ay alam ko"
"Ma? Alam niyo kayo? Wag niyo inaapply sakin mga na papanuod niyo sa katanghalian huh?"
"Anak?"
"Hmmm?"
"May nagugustuhan ka na bang lalaki huh?"
"Hala si mama!" Napasamid ng todo todo si Aphrodite
"Wala?"
"Opo ma wala" sabi ni Aphrodite "tapos na po ko magsilong papasok na ako sa kwarto ko ha"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 14, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One shotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon