Ria's POV
"ANOOOO POOO? ABA! HINDI NAMAN PO ATA TAMA YUUUN DEAN. MAG PAPAKICK OUT NALANG HO AKO." Pagmamaktol ko.
Nandito kami ngayon sa office ng Dean. Kaya ako nagmamaktol dahil sa sinabi niya na bilang kapalit ng pag stay ng scholarship ko at ang patuloy kong pag aaral dito sa Serendipity Academy, eh kailangan ko maging personal assistant ni Dwight Reed Sevilla.
"Kung ako sa'yo iha, tanggapin mo na ang alok namin ikaw lang kasi ang natatanging nakikita naming tao na makakapagpabago sa masamang ugali ni Dwight. Make him a matured human being." Adik pala 'tong si Dean eh!
"Bakit Dean?! Ako ba ang nanay niyan? Wala bang pamilya yan. Bakit pa akooo?!" Ang dami ko ng problema dadagdagan pa ng immature na lalaking yun!
"Kasi yun ang sabi ng daddy niya. And don't worry iha, Babayaran ka ng 20,000 per month ng daddy niya. Lahat din ng gagawin at iuutos niya ay dapat ireport mo sa daddy niya. Kaya secure na secure ka dito iha. Marami pang benefits ang matatanggap mo and lastly, doon ka na titira sakanila habang nagtratrabaho ka pa bilang P.A ni Dwight."
Whaaaaaat?! Ganun ba talaga kayaman ang nabangga koo?!
"Bessy tanggapin mo na yung offer. Sayang din naman kasi ng 20,000 ni wala nga yun sa kalahati ng sinesweldo mo sa café. Tapos libre pa ang titirhan mo oh diba san ka pa?" Pag kukumbinsi din saakin ni Rean.
"Sige tinatanggap ko na po. Pero may hihilingin sana ako. Pag hindi ko na ho kaya ang mga pinapagawa at inuutos niya aalis na at tatapusin ko na po ang trabaho ko." Pagpapaliwanag ko.
"Oh sige iha, Deal." Sabi ni Dean sabay abot ng kaniyang kanang kamay.
"Deal." Inabot ko din ang kaliwa kong kamay at nakipag shake hands sakanya.
"Hintayin na lamang natin dito si Dwight. Medyo matatagalan yun dahil sinundo pa nito ang kapatid niya." Hayst pa special mention naman yang lalaking yan psh.
Sa kalagitnaan ng kabagutan namin dito ni Rean biglang may kumatok.
"Come in." Sabi ni Dean.
Pumasok ang lalaking binuhusan ko ng tunaw at malagkit na ice cream kahapon na may bakas na pagkagulat sa kaniyang mukha.
"What's goin' on here? Pinatawag niyo raw ako?" Aba! Napaka walang modo talaga neto!
"Yes Dwight. Here, right here is Ms. RIA ANDEE MENDOZA. She is hired by your father as your PERSONAL ASSISTANT." Pagpapakilala ni Dean saakin.
"WHAAAAAAAT?!"
Dwight's POV
Papunta na ako ngayon sa office ni Dean.
'Ano nanaman kaya ang dahilan kaya pinapunta ako dun ni tito?'
Nakarating na ako sa tapat ng office niya. Kumatok ako.
"Come in." Sabi ni Dean.
Pumasok ako at ang una kong nakita ay ang pagmumukha ng babaeng binuhusan ako ng tunaw na ice cream kahapon.
Ano naman kaya ang ginagawa ng babaeng yan dito?!
"What's goin' on here? Pinatawag niyo raw ako?" Ano ba kasing ginagawa niyan dito? At may kasama pa talaga ha.
Naiinis talaga ako makita ang pag mumukha ng babaeng ito! Tito knows how this girl really hits my ego hard for goodness sake!
"Yes Dwight. Here, right here is Ms. RIA ANDEE MENDOZA. She is hired by your father as your PERSONAL ASSISTANT." Wth?!
BINABASA MO ANG
BANGTAN SERIES #1 Dwight Reed Sevilla (Kim Namjoon)
РазноеHi guys! So, eto na nga. Since di ko na masyado natututukan yung Bangtan Jokes, ginawa ko nalang ito na "BANGTAN SERIES" every series, isang bts member ang bida. So ngayon, Our Leader-nim muna ang mauuna. I hope you'll enjoy this story of mine! I'...